Monday , December 23 2024
supreme court sc

Community Legal Aid Service Rule iginigiit ng Supreme Court

PARA sa kaalaman po ng publiko, ang Korte Suprema po pala ay may tinatawag na “Community Legal Aid Service Rule.”

Kaya nga inatasan ng 15-member high court ang Office of the Bar Confidant at ang Integrated Bar of the Philippines (IBP), bantayan ang pagtupad dito ng mga bagong abogado (rookie lawyers).

Ginawa ng Supreme Court ang promulgation nitong 10 Oktubre 2017. Uumpisahang ipatupad ito sa mga makapapasang barristers na nakatakdang kumuha ng bar exam sa apat na Linggo ng darating na Nobyembre.

Ang mga makapapasang abogado na nagtatrabaho na sa executive and legislative branches, anim na buwan bago ang bar exam ay exempted na sa nasabing rekesito.

Ganoon din ang mga nakatapos na sa kanilang “clinical legal education program” at nakapag-render na ng pro bono legal work bago pa sila makapasa sa bar.

Sabi ng mga Mahistrado, dapat tiyakin ng mga abogado na ang mga mamamayan ay nabibigyan o may access sa legal services: “In an efficient and convenient manner compatible with the independence, integrity and effectiveness of the profession.”

Sa nasabing atas, ang mga rookie lawyers ay kailangan magkaloob ng isang taong libreng serbisyong legal matapos lumagda sa roll of attorneys para makompleto ang kanilang 120-hour free legal services sa criminal, civil and administrative cases.

Malaking tulong nga naman ito para sa mahihirap na mamamayang hindi kayang kumuha ng serbisyo ng mga abogado at hindi rin makakuha ng serbisyo ng Public Attorney’s Office.

Kudos Supreme Court!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *