Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congw. Vilma Santos ipinagdadamot ng presidente ng fans club

MAY pa-tribute ang “Magandang Buhay” kay Congw. Vilma Santos na malapit nang mag-celebrate ng kanyang birthday this November 3.

Aba, sa kabila ng masayang taping ng guesting ni Ate Vi ay may isang fans club ang nagtatampo kay Mr. Jojo Lim, na presidente ng Vilma Santos Solid International (VSSI) at Willie Fernandez na isa sa opisyal ng nasabing fans club.

At ang tinutukoy nating grupo ng mga tagahanga ng Star for All Seasons, ang bagong tatag na SilVi, na ang isa sa officers ay si Malabon Kagawad Eirol Simon. Kuwento ni Kagawad Eirol, nag-text siyang pareho kina Ate Vi at Jojo para humingi ng blessing sa pagpunta sana ng SilVi fans sa taping ng Magandang Buhay, pero dumating na’t lahat-lahat ‘yung schedule ng nasabing taping sa morning show nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ay wala silang natanggap na reply.

In fairness sa SilVi, mayroon silang magandang nagagawa sa kapwa nila Vilmanians at iba pang mga kababayan sa kanilang isinasagawang regular na outreach program na ang malaking suporta ay nagmumula sa mayamang fan ni Ate Vi sa Los Angeles California na si Wonder Vi Santos o Kuya Ben sa marami.

Ang tanging layunin ng SilVi, mabigyan ng suporta ang kanilang idol na politician actress, pero ipinagdamot nga raw sa kanila.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …