Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Alyanna nagkita at nagkapaliwanagan sa “FPJ’s Ang Probinsyano”

PARA lalo siyang madikit sa alam niyang tunay na kalaban, sumama si Cardo (Coco Martin) sa grupo ni Alakdan (Jhong Hilario) na ngayo’y pinagkakatiwalaan siya. Gustong alamin ni Cardo, kung sino sa opisyales ng militar ang kontak ni Alakdan na nagbibigay ng malaking pera.

At sa episode noong Biyernes ay inutusan siya (Cardo) ni Alakdan na bumaba ng Maynila para makipagkita sa taong magbibigay sa kanya ng bomba na kaniyang ibibigay sa kalaban ng hindi niya alam kung sinong heneral (General Renato Hipolito).

Pero hindi na ito naiabot ni Cardo dahil nahuli siya ng Security guard at nakipagbuno siya para makatakas.

At sa kanyang paglalakad sa bahagi ng Maynila, nagtagpo ang landas nila ng misis na si Alyanna (Yassi Pressman) at doo’y kinausap siya nito sabay sabing magpaliwanag siya dahil hindi na niya naiintindihan kung bakit kailangan magtago ang mister nang matagal na panahon at sino ba ang babae (Lena, na ginagampanan ni Yam Concepcion) at batang kasama nito nang magkaroon ng encounter ang Pulang Araw na kinaaniban nito at ang grupo ng militar.

Ipinagtapat ni Cardo kay Alyanna ang lahat-lahat at naliwanagan na ang asawa at nangako siya rito na babalikan niya pagkatapos ng kanyang misyon kung sino talaga ang pumatay sa kanilang anak na si Ricky Boy (Al Vaughn Chier Tuliao).

Abangan ang kakaharapin pang madudugong eksena ni Cardo/Fernan sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa Kapamilya network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …