Monday , December 23 2024

SoJ Vit Aguirre sumuporta na sa overtime pay ng BI

NABUHAYAN ng matinding pag-asa ang halos lahat ng nasa Bureau of Immigration (BI) matapos lumutang ang pagpapakita ng suporta ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa pamamagitan ng kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa kanyang sulat ang tungkol sa kanyang apela na tuluyan nang ibalik ang OVERTIME PAY sa mga kawani alinsunod sa Commonwealth Act No. 613 or Philippine Immigration Act na nag-o-authorize na kumolekta ng Express Lane Fund para gamitin sa pagbabayad ng ekstrang serbisyo o oras ng mga empleyado.

Dagdag sa naturang liham, magpahanggang ngayon ay hindi pa ganap na naaamiyendahan o napapalitan ang CA No. 613, kaya naman walang basehan ang ilang “epal boys” gaya ni DBM Sec. Ben Jokeno ‘este Diokno at ilang kontrabidang mambubutas ‘este mambabatas na sabihing walang legal na batayan para hindi ipamahagi ang OT.

Ipinaliwanag ni SOJ Aguirre na kasama rin sa puwedeng pagkuhaan ng OT ang shipping and airline fees alinsunod din sa isinasaad ng CA 613.

Sa ating palagay, natumbok ni SOJ ang tamang diskarte sa pagpapaliwanag nang tama at may legal basis ang naturang apela.

At kapag nagtagumpay ang position paper ni SOJ Aguirre, hindi lang Immigration ang makikinabang kundi maging ang Customs at Quarantine.

Sa tinagal-tagal kasi na hinawakan ng ilang feeling bright boys and girls ng BI ang kaso tungkol sa nawalang OT, tumutok sila sa puntong “due to humanitarian consideration!”

Juice colored!

Batas ang pinagdedebatehan kaya bakit kailangan ipagdikdikan ang humanitarian consideration dito?!

Kesyo ibalik daw ang OT kasi marami ang magugutom, maraming magre-resign, hindi makapapasok ang mga anak etc. etc.

Anak ng siyokoy naman!

Nalimutan yata ng mga feeling bright boys and girls ng BI na mga abogado ang kaharap nila at hindi mga pari, madre, lolo at lola!

So ano naging resulta?

E ‘di NGANGA!

Magdadalawang taong NGANGA!

Since kumilos na nang tuluyan si DOJ Secretary, let him do his own thing!

Sariling diskarte muna sabi nga!

At habang naghihintay ang lahat ng magandang resulta, tumabi-tabi muna at manahimik ang mga EPAL!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *