Saturday , November 23 2024

Sen. Loren Legarda todo-suporta rin sa overtime pay

NAKATAKDA na raw i-allow ng senado ang paggamit ng Express Lane Fund ng BI para bayaran ang overtime pay ng mga empleyado.

Ayon kay Senate Finance Committee chair Sen. Loren Legarda, noon pa raw ay dati nang ginagamit ang ELF para pakinabangan ng mga taga-BI at hindi nagkulang ang senado sa kanilang tungkulin.

Noon pa man ay may inilaang provision ang mga mambabatas tungkol sa kaukulang badyet ng ahensiya pero nitong 2017 lang ay tuluyan itong nawala matapos pakialaman ni DBM Secretary Benjamin Dioklay ‘este Diokno ang naturang provision.

Sinasabi na nga ba!

Pakialamero nga!

Tuluyang ipinakita ng senadora ang kanyang suporta matapos ipakiusap sa kanyang mga kasamahan at kay Presidente Duterte na ibalik ang nawawalang benepisyo sakaling maipasa ang Senate Bill 1556 o ang Philippine Immigration and Registration of Foreign Nationals Act.

Good job madam senator!

Natatandaan natin, noong kauupo ng Pangulo ay sinabi ng senadora sa isang grupo ng mga taga-BI ang ilang puntos o legal bases para protektahan ang kanilang ELF.

Patuloy din daw tayo na kukutyain sa buong mundo kung makikita ng mga umaalis at dumarating na turista ang mahabang pila sa immigration bunsod ng sandamakmak na resignations ng mga empleyado nitong mga nakalipas na buwan.

Palibhasa nga at tadtad ng “feelers” ang kagawaran kaya ‘di nila sinunod ang mga payo ng senadora.

Inakala nila na isa si Senator Legarda sa mga kumokontra noon sa ELF.

Pero tulad din ng ating iniulat noon, iminungkahi ni Madam Loren na hindi uubra ang “hanash” ng mga “feelers” sa BI na “puso” at “bugso ng damdamin” ang pairalin.

Agree ka ba, Madam Ursula!?

Bawas muna ang mga hanash lalo sa social media, gurl?!

Dagdagan na lang ang dasal at nobena! Kalimutan muna ang mga hanash!

And for you, Madam Senator Loren, sana po ay magtagumpay ang maganda ninyong hangarin para sa Bureau!

Salamat po sa malasakit!

Magandang papasko po ito sa kanila kapag nagkataon!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *