NGAYONG nag-commit na si Lucio Tan na bayaran ang pagkakautang ng PAL na umabot sa P7 bilyon, hindi kaya dapat din siyang pursigihin na bayaran ang kanilang atraso o pagkukulang sa Customs, Immigration at Quarantine na umabot na rin sa daan-daang milyon?!
Natatandaan ba ninyo na PAL ang naging pasimuno upang tumigil ang ibang airline companies sa kanilang obligasyon na magbayad sa CIQ ng kaukulang danyos para sa mga kawaning nagkaloob ng overtime duties sa airport?
Isipin na lang kung gaano karami ang airlines at barko na pumapasok araw-araw sa Filipinas.
Tapos isang karampot na papel ng memorandum galing sa DoTC sikwatary ‘este Secretary ititigil agad ang pagbabayad ng danyos?
‘Di ba kay laking kagaguhan ‘yan?!
Kasabwat sa conspiracy noon sina DOTC Secretary Mar Posas ‘este Roxas, DOF Secretary Cesar Putrisima ‘este Purisima, former SOJ Leila de Saba ‘este De Lima?!
Hindi lang natin alam kung gaano ang napakinabangan nila para paboran ang mga airlines kontra sa mga pobreng empleyado.
Sana naman ay lubus-lubusin ni Pangulong Duterte ang paglatigo sa mga abusadong tycoons gaya ni Lucio Tan sa ating bansa na nagsasamantala sa kahinaan ng mga manggagawa.
Ano nga naman ang magagawa ng maliliit na manggagawa sa kapangyarihan ng gaya ng isang isang Lucio Tan?
Money talks nga ‘di ba?!
Malaking bagay kung ibabalik ang airline and shipping fees dahil kaya nang i-sustain ang nawalang benepisyo ng mga kawani sa tatlong ahensiya.
Well, ating abangan kung totoong magbabayad ang PAL o kung dramarama lang ang lahat!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com