UMUUGONG ang bali-balita lately na right after her viral performance at the Asian Song Festival, ay baka raw iwan na ni Morissette Amon ang grupong Birit Queens.
Right after her highly successful performance at Busan, South Korea last September, kumalat na ang mga espekulasyon na baka raw umalis na si Morissette sa kanilang grupo.
A lot of fans are saddened by this basically unexpected development. Especially so that their production number at ASAP is one of the much-awaited segments in that show. Kasama nga pala ni Morisette sa grupong Birit Queens sina Klarisse de Guzman, Jona Viray, at Angeline Quinto.
Anyway, aminado si Morissette na malaking tulong sa kanila ang segment sa ASAP.
“Siyempre ako, I’m very grateful na may Birit Queens kasi visible kami every Sunday,” she articulated.
“Sobrang laking tulong, siyempre ang daming sumu-support din, kaniya-kaniya, individually, and as a group so we’re really thankful.”
Proud rin si Morisette sa pagkakapanalo ng award ng Birit Queens as Concert Performer of the Year sa Eduk Circle.
Sa espekulasyon na baka mawala na raw ang kanilang grupo sa ASAP dahil ilang weeks na rin namang hindi sila napanonood, ito ang masasabi ni Morisette. “Ang mase-say ko lang about dun,” she asseverated, “kasi before I left, kasi umalis ako for the States, tour and then nag-Korea ako, mga two weeks akong wala.
“Before ako umalis, nakapag-taping kami ng two prods supposedly for airing.
“Nagtaka lang din ako bakit ‘di nila nai-ere.
“Kami, okay lang naman kami ngayon, right now pino-focus nila sa Himig Handog, me and Ate Jona, interpreter kami this year.
“As (to the) rumors na parang mawawala ang Birit Queens, wala namang nakararating sa akin,” she intimated.
Anyway, maganda ang reception ng Korean audience sa performance ni Morissette sa 2017 Asian Song Festival.
Noong una, sobrang kinabahan raw siya kasi ang laking task para sa kanya na i-represent ang ating bansa.
But she feels tremendously honored to be chosen by the Korean embassy.
“They really tried to find ways na maka-reach sa akin,” she quipped. “They talked to my manager Tito David, naging possible ang lahat.
“I’m very happy na ‘yung feedback din ng mga Pinoy after noong performance, naging viral pa ‘yung video so very, very happy and thankful.”
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.