PABOR ang ilang mambabatas sa nais ng pamilya ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III, na hainan ng disbarment ang mga abogadong sangkot sa cover-up sa initiation rites ng Aegis Juris fraternity.
Ito ay kaugnay sa Facebook chat ng frat members hinggil sa kung paano itatago ang pagkamatay ni Atio sa initiation rites.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Senador Francis “Chiz” Escudero, na dinungisan ng mga abogadong miyembro ng grupo ang propesyon bilang tagapagtanggol ng batas.
Para kay Senador Juan Miguel Zubiri, napakabigat ng mga ebidensiya laban sa mga dawit sa insidente.
Maging ang mga abogadong nakaaalam ng insidente ngunit hindi man lang nakipagtulungan sa mga awtoridad, ay may pananagutan din aniya.
ni CYNTHIA MARTIN
FRATMEN SA ATIO
HAZING SLAY COVER-UP
CHATS HAHARAP
SA OBSTRUCTION RAPS
INIHAYAG ng pulisya, posibleng humarap sa kasong obstruction of justice ang mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na kabilang sa nagtalakay kung paano iko-cover-up ang hazing na ikinamatay ni UST law freshman Horacio Castillo III, sa Facebook chat.
Ang Facebook chat, sinasabing nangyari noong 17-18 Setyembre, pagkaraan ng pagkamatay ni Atio, ay binasa ni Senador Joel Villanueva sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkoles.
Sinabi ni C/Supt. Joel Coronel, hepe ng Manila Police District, may nakuha silang kopya ng mga mensahe sa link mula sa “Justice for Horacio Castillo” Facebook page.
Aniya, ang Facebook chat ay bineripika ng Philippine National Police Anti-Cybercrime group.
“At the moment, we are filing charges against those directly involved in the initiation and hazing of Atio Castillo and during the next round of preliminary investigation, we will already include those who may be held liable for obstruction of justice, including those mentioned in the chat,” pahayag ni Coronel.