MALI at malisyosong ikompara ni Duterte ang kanyang plano na magtayo ng revolutionary government, na halatang bigla lamang niyang naisip, sa itinatag na revolutionary government noong 1986 ni dati at yumaong Pangulong Corazon Aquino dahil iyon ay resulta ng pagpapatalsik ng taong-bayan sa isang diktadura.
Bukod dito, ang revolutionary government ni Ginang Aquino ay isang transition o pansamantalang paraan mula sa diktadura ng dating Pangulong Ferdinand Marcos patungo sa tradisyonal na demokratikong pamumuno bago ibinagsak ang batas militar.
Sa paggamit ng revolutionary government ni Gng. Aquino bilang salalayan ng balak na revolutionary government ni Duterte ay malinaw na nililito ng pangulo ang bayan kung paano magiging transition ito.
Hindi niya masasabi na paraan ito mula sa diktadura patungo sa demokratikong pamamalakad ng lipunan, maliban kung ito ay pag-amin ni Duterte na diktadura ang kanyang balangkas sa ngayon. Hindi rin naman niya masasabi na ito ay pagpapatalsik ng mga oligarch sa pamahalaan dahil karamihan sa mga tao na kanyang sinasandigan sa pamumuno ay mula sa paksiyon ng mga oligarch na sumuporta naman kay Marcos noon.
Siguro ang gusto talagang sabihin ni Duterte sa atin ay ibig niyang patalsikin ang kanyang sarili para maitayo niya ang isang revolutionary government na ibabasura ang Saligang Batas ng 1987, kasabay ng paglusaw niya sa kongreso at lalong pagpapahina sa poder hudikatura na kanyang ididikta.
Lumilinaw na kung maitatayo ni Duterte ang kanyang revolutionary government ay isa lamang itong “self coup d’etat” o pagpapatalsik sa sarili para maiwasan ang tumitinding galit ng bayan kaugnay sa mga nagaganap na patayan araw-araw dahil sa kanyang drug war, at ang kabiguan niyang panindigan ang mahahalagang reporma sa pamahalaan na kanyang ipinangako noong panahon ng kampanya sa halalan.
Hindi rin kataka-taka na naibulalas niya ang kanyang plano sa isang panayam sa telebisyon matapos ang mga sumusunod:
• lumabas sa survey na bumagsak bang husto ang kanyang public satisfaction at trust rating,
• maiulat na bumabagsak ang ekonomiya dahil sa kaunting foreign investments na pumapasok sa bansa dahil sa takot ng mga may-ari ng kapital na unstable ang kanyang pamamahala,
• at matapos tumindi ang pagpuna sa kanyang human rights records ng mga kanluraning bansa at mga pandaigdigang organisasyon na nagbibigay halaga sa karapatan ng tao.
Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na ang Filipinas sa ilalim ng kasalukyang administrasyon ay unti-unting nahihiwalay ang ating mga tradisyonal na kaalyado na may tunay na pagpapahalaga sa karapatan ng tao at respeto sa Filipino.
***
Ang diarrhea ang ika-15 sa pinaka-nakamamatay na sakit ng mga bata sa ating bayan kaya dapat laging maghugas ng kamay at tiyaking malinis ang kinakain. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.
Check Also
Mga senador na nasa tama, nagkamali
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …
“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …
Upakan sa Pasig umiinit
PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …
Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy
SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …
Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …