Friday , November 15 2024

Baron Geisler, matino kaysa mga politikong tulisan sa pamahalaan

SABIT na naman sa gulo si Baron Geisler matapos maaresto sa isang kilalang resto-bar sa Quezon City, kamakailan.
Dahil daw sa kanyang ”unruly behaviour” kapag nalalango sa alak ay banned sa mga establisiyemento ng naturang resto-bar si Baron.
Pero kahit banned ang aktor, siya ay pinahintulutan na makapasok sa resto-bar hanggang sigawan umano at murahin ni Baron ang dalawang lalaking customer nang walang kadahilanan.
Ayon sa kanyang abogado, hanggang ngayon ay nakakulong pa si Baron dahil ilang araw suspendido ang pasok kaya hindi agad siya napiyansahan sa mabababang kaso ng misdemeanor o “unjust vexation” at “alarm and scandal .”
Kaya lang, mukhang may mga gustong madiin si Baron sa mas mabigat na kaso kahit bukas na aklat naman na pagkalulong sa alak ang sanhi ng kanyang pagkakasangkot sa mga gulo at hindi ilegal na droga.
Sadyang marami sa lipunan natin ngayon ang mga “self-proclaimed” na moralista at mas mahilig humusga para magmukhang magaling, pero kulang naman sa pang-unawa.
Nanghihinayang tayo dahil si Baron ay hindi lang mahusay na aktor, kung ‘di isa rin siyang intelihenteng bata na malaki pa ang pag-asang magbago sa tamang gabay.
Ang mga kaso ni Baron ay pawang misdemeanor at kaunting problema lang sa pag-uugali kaya napapaaway kapag nakakainom.
Ni minsan ay wala akong matandaang nagsinungaling si Baron at laging aminado sa kasalanan sa mga basag-ulo na kanyang kinasangkutan.
Pagsama-samahin man ang mga kaso ni Baron ay ‘di hamak na mas magaan kaysa kasalanan ng mga salbaheng pulis laban sa mamamayan na dapat nilang tulungan at protektahan.
Kung tutuusin, si Baron ay higit na matino kompara sa mga politiko at mga walanghiyang nasa pamahalaan na mapagbanal-banalan pero sagad hanggang buto naman ang kawalanghiyaan.
‘Buti pa ang pagkalulong sa alak ay parang karamdaman na napatunayang nagagamot, pero ang lunas sa bisyong pagnanakaw at pandarambong sa gobyerno ay hindi pa naimbento.

BOSES NG BAYAN SA “LAPID FIRE”
ILANG reaksiyon mula sa masusugid na tagasubaybay ng ating malaganap na programang “Lapid Fire” na napapakinggan mula 10:30 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, sa Radio DZRJ (810 Khz/AM), at sabayang napapanood sa buong mundo sa 8tri-TV live streaming ng 8Tri-Media Broadcasting Network sa Facebook at You Tube.
Sa walang-puknat na pagtaas ng produktong petrolyo, pamahal nang pamahal na singil sa elektrisidad, tubig at public utilities na nagpapahirap sa mamamayan, ang sabi nila:
MEL (Holland) – “Magandang umaga or gabi diyan sa inyo, Mr. Percy Lapid. Tama po kayo sa inyong mga tinalakay kasi talaga naman ang ating mga politiko sa ating mahal na bayan ay sila ang nagpapahirap sa taong-bayan. Katulad po ng inyong nabanggit tungkol doon sa Petron na dating pag-aari ng gobyerno. Pero nang maupo si Pres. Cory at ang kanyang crony na si dating senador Heherson Alvarez siya po ang nag-lobby na dapat magkaroon ng oil players or other oil company sa ating bayan. Si Heherson Alvarez din po nagpatanggal ng oil regulated. Sa akin lang pong opinion, siya po ay kumita nang mag-looby sa floor ng Senado. Tama po ang inyong mga sinabi na dapat po kompiskahin ng gobyerno ang malalaking negosyo na nagpapahirap sa atin, sa mga isang-kahig, isang-tuka. Maraming salamat po, Ka Percy. Kami po ng aking pamilya at iba mga Filipino dito sa Holland ay nakikinig sa inyo.”
NINJA CREEPER – “Iyon ang dapat gawin ni Digong, sequestered lahat ng nagpapahirap sa bayan like Meralco, Nawasa at gasoline. ‘Yan ‘yung mga pangunahing sanhi ng paghihirap ng taong-bayan kasi lahat ‘yan konektado sa pagtaas ng bilihin. Sana po Mr. Lapid, isa kayo sa maging adviser ng pangulo.”

KASONG PLUNDER DAPAT
VS ARGOSINO AT ROBLES
DAVE DUMBRIQUE – “Ginagamit nila ang kanilang kaalaman sa batas para makaiwas sa mas mabigat na kaso ng plunder. Pero ganun pa man, aminado naman sila sa mga TV interviews nila na P50-M ang kanilang tinanggap sa casino (mula kay Jack Lam).”
Z. DELOS SANTOS – “Ang batayan ng plunder ay kung magkano ang ninakaw at hindi kung magkano ang binalik. Parang mga buwang na ‘yang mga iyan, ginagawa na tayong mangmang ng taga-DOJ na ‘yan. Dahil ba sa ka-brad nila ang inaakusahan?”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *