Monday , December 23 2024
jeepney

Imbes phaseout at ‘strike’ upgrading ng jeepney dapat tutukan ng bayan

NANINIWALA po ang inyong lingkod na imbes phaseout ng jeepney na sinasagot ng strike ng iba’t ibang transport groups, mas dapat mag-usap sila at ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung paano iaangat ang ‘kultural’ na representasyon ng ating bansa.

Ang jeepney sa kulturang Filipino ay hindi lamang isang mekanikal na larawan ng isang sasakyan. Ang jeepney ay malaking bahagi ng pagbangon ng Filipinas, mula noong panahon pagkatapos ng giyera na iwinasiwas ng mga Hapones, hanggang sa huling bahagi ng Dekada 70, bago umusbong ang Light Rail Transit.

Kahit kaninong administrasyon, lagi nilang sinasabi pauunlarin ang mass transportation sa bansa gaya ng Philippine National Railways (PNR), Light Rail Transit (electronic train), at Metro Rail Transit (MRT) at iba pang anyo ng transportasyon na sabi ay magpapagaan ng biyahe ng mahihirap na commuters.

Magaganda at tila abanse ang nasabing mga plano, pero kahit kailan walang nagsabi kung ano ang gagawin nila o saan nila ilalagay ang jeepneys kapag lumarga na ang PNR, LRT at MRT.

Hindi siguro naisip ng transport officials na ang mga jeepney ay minamaneho ng mga tsuper na nagba-boundary sa operators at bumubuhay ng pamilya.

Akala nila, ang jeepney ay isang moda o bihis ng transportasyon na puwede nang itapon o palitan nang walang pagsasaalang-alang sa kabuhayan ng mga maaapektohang driver.

Sa isang banda naman, ang mga jeepney driver na laging katuwiran ay kulang ang kinikita, ay hindi nagsikap na pagandahin, ayusin, linisin ang kanilang sasakyan.

Ultimo silang mga driver ay hindi na nakuhang maglinis ng katawan, nanggigitata kaya kahit hindi adik ay napagkakamalang adik.

May mga jeepney driver kasi na wala na ngang maiuwi sa pamilya, nag-iinom pa, nangangarera o bookies, tapos matutulog nang konti at pagkagising takbo na sa manibela na hindi man lang yata nakuhang mag-toothbrush o maghilamos.

Pasintabi po sa mga suking drivers.

Isa ‘yan sa mga rason kung bakit ang jeepney ngayon ay ikinakategoryang third class sa moda ng transportasyon kaya naiisipang i-phaseout ng pamahalaan.

Ang masama, ang iniaalok na alternatibo ay electronic jeepney (e-jeep) na parang pupulutin lang ng mga driver ang ipambibili. E talagang mag-aalboroto ang jeepney drivers niyan.

Imbes harapin ang mga nagwewelgang transport groups, sinasagot ng gobyerno nang pagdedeklara na walang pasok.
At hindi lang sa eskuwela, walang pasok maging sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Sa eskuwela, e di lugi ang mga estudyante, walang aral, tapos maghahabol pa ng make-up classes.

‘Yung private companies gaya ng banko at iba pang financial establishments, bahala na raw silang magdeklara kung papasok sila o hindi.

‘E natural hindi na rin sila magpapatrabaho kasi wala naman silang katransaksiyon.

Tsk tsk tsk…

By the way, sino ba talaga ang bright boys na nagpapayo kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ikansela ang mga pasok sa tanggapan ng gobyerno?

Malamang mga ‘iskul bukol’ lang ‘yang mga ‘yan!

Mga kamote, mayroon pong tinatawag na gross national product (GNP)!

E kung ganyan lagi ang magiging deklarasyon ng Palasyo, aba ‘e walang kahirap-hirap ang mga gustong magpakana ng destabilisasyon.

Hindi pa nakikita ang puwersa ng mga nagbabantang magwelga, magdedeklara agad na walang pasok…

Aba, panalo agad ang mga welgista!

Dear Digong’s advisers and consultants, nandiyan kayo hindi para utuin ang Pangulo. Kahit gusto niya pero kung hindi makabubuti sa bansa, aba sansalain ninyo.

Pero kung ‘urong’ lang din naman ang mga bayag ninyo at gusto lang ninyong ‘sumahod’ kada kinsenas at katapusan, mahiya kayo!

Magtrabaho kayo at magbigay ng mabuting advice sa Pangulo hindi sipsip advice lang.

Puwede ba!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *