Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Whattt?! Casino sa educational hub ng Diliman Quezon City?!

DESMAYADO ang mga taga-Quezon City kaya humingi na sila ng tulong kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ito ay kaugnay ng itinatayong Bloomberry’s Casino Hotel sa Vertis North na matatagpuan sa Agham Road, Diliman, Quezon City.

In short, hindi welcome sa mga taga-Kyusi lalo sa Diliman, na gawing gambling hub ang kanilang lugar.

Lalo na sa Agham Road, na kinatatayuan ng Philippine Science High School (PhiSci) na ikinokonsiderang pinakamahusay na paaralan sa buong bansa at sa buong ASEAN.

Take note, limang taon na lang, kalahating siglo nang nakatirik ang PhiSci sa nasabing lugar.

Bukod diyan, ipinahayag ng mga residente sa Kyusi, ang Ateneo de Manila University (AdMU) at University of the Philippines (UP), dalawa sa kinikilalang unibersidad sa bansa at sa buong mundo ay matatagpuan din sa Diliman.

Hindi man deklarado, pero pinaniniwalaang ang Diliman ay kinikilalang educational hub hindi lang ng Quezon City kundi ng buong bansa.

Hindi lang mga paaralan o unibersidad ang matatagpuan kundi maging ang iba’t ibang research institute at government agencies na may kaugnayan sa edukasyon at kultura ay matatagpuan sa Diliman.

Kumbaga sa piyesa at nota, desentonado ang pagpayag ng Sangguniang Panglungsod ng Kyusi na maitayo ang Bloomberry’s Casino Hotel sa Agham Road, na kung hindi tayo nagkakamali ay pag-aari ng port and shipping mogul na si Enrique Razon.

Ganito na ba talaga ngayon sa Kyusi?!

Noong araw, napakahigpit ng Kyusi sa mga establisiyementong may laro o sugal. Kahit nga Bingo lang, ‘malakihan’ ang “for the boys.”

Kailangan din na malayo sa simbahan at paaralan.

Kaya nakapagtataka na nakikita natin ngayon ang mga nagsulputang e-games, poker at iba pang uri ng sugal sa Kyusi.

Tapos ngayon mababalitaan natin na mayroong malaking casino hotel (Bloomberry), ilang metro lang ang layo sa PhiSci?!

Hanyare, Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista?!

May nag-iipon na ba ng pabaon o nag-iipon na ng pondo para sa mid-term elections?

Kaya maraming bilib sa Sangguniang Panglungsod ng Kyusi. Administrasyon man o oposisyon, basta sa ikauunlad ng ‘bulsa’ ‘este bayan walang kontrahan.

May magawa kaya ang academic community kapag iginiit ng Bloomberry’s ang kanilang deal sa QC government?!

Abangan natin kung ano ang magiging tindig ni last term QC Mayor Bistek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *