Saturday , March 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric Raval bagong suspek sa pagpatay kay Victor Buenavidez sa “The Good Son”

PATINDI nang patindi ang mga pasabog na eksena na napapanood sa top rating na family drama series na “The Good Son” na ngayon ay may bago na namang suspek sa paglason kay si Victor Buenavidez (Albert Martinez) na naging sanhi ng pagkamatay ng mayamang negosyante, sa katauhan ni Dado (Jeric Raval) na driver ng pa-milya.
Ramdam sa takbo ng istorya ng TGS, na anak nina Dado at Olivia (Eula Valdez) sa pagkakasala si Calvin na ginagampanan ni Nash Aguas. Kaya kung nagkasala raw noon si Victor sa misis na si Olivia sa pagpatol nito o pagkakaroon ng relas-yon kay Raquel (Mylene Dizon) na nagkaroon sila ng isang anak na si Joseph (Joshua Garcia) ay ganoon din si Olivia na baka hindi naiwasan na makipagrelasyon sa kanilang driver lalo’t madalas niya itong kasama.
Kitang-kita rin ang labis na concern ni Dado kay Calvin na siya ang nagdadala sa binata sa ospital kapag nakararanas ng depresyon. Kaya majority ng viewers ng teleserye ay iisa lang ang tanong si Dado nga ba ang totoong lumason kay Victor?
Samantala, para naman sa pangunahing bida ng The Good Son, na si Joshua, kakaibang pressure raw ang naramdaman ng Kapamilya actor sa pagkakalagay ng soap nila sa Primetime Block ng ABS-CBN2.
“Yung buong team sobrang pressured kami. Supposedly kasi Kapamilya Gold kami, tapos nabago, biglang nabago na Primetime na. ‘Yung pressure na ‘yon gagamitin namin para mas ma-motivate kami na galingan namin. Kasi ang daming nakapapanood noong oras na ganoon. Nakikita ko sa buong team na pressured kami pero hindi namin hinahayaan na maapektohan ;yung work namin, ‘yung arte namin. Nakikita ko pa rin ‘yung effort talaga. Kapag nagpadala kami sa pressure baka maapektohan lang din ‘yung show namin,” naka-smile na say pa ni Joshua.
Well, hindi nagkamali ang Dreamscape Entertainment at ang ABS-CBN sa naging desisyon nila na gawin itong Primetime dahil bukod sa tagumpay sila sa mataas na ratings gabi-gabi na umaabot sa 24% ay pawang positive reviews ang tinatanggap ng programa sa makatotohang istorya at husay sa acting ng lead cast.
Napapanood ang The Good Son, pagkatapos ng La Luna Sangre ng KathNiel sa ABS-CBN Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Rodjun Cruz Dianne Medina

Rodjun deadma sa mga basher

MATABILni John Fontanilla NO pansin kay Rodjun Cruz ang mga basher at nagmemenod sa kanya sa pagiging …

Ferdie Topacio Bea Binene Yasmien Kurdi Myrtle Sarrosa Claudine Barretto

Claudine, Bea, Yasmine, Myrtle dream mapagsama ni Atty. Topacio sa isang pelikula 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pelikulang Spring Of Prague ay isang horror movie naman ang next movie …

Mhack Morales

Mhack Morales nakaranas ng dagok sa buhay

I-FLEXni Jun Nardo HOPING for the best ang producer-manager na si Lito de Guzman sa magiging resulta …

marriage wedding ring

Celeb nairita sa nanggakang content creators sa kanilang kasal ng non-showbiz wife

I-FLEXni Jun Nardo DINAYO raw ng mga unknown content creators ang nagyaring kasal ng isang …

Wency Cornejo certified chef

Wency Cornejo certified chef na 

HARD TALKni Pilar Mateo KAPAG sumasapit na ang panahon ng Semana Santa, naaalala ko ang …