KULUNGAN ang kinabagsakan ng aktor na si Baron Geisler makaraang magwala, manggulo at magmura dahil sa kala-singan sa loob ng isang restobar sa Tomas Morato Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Kamuning Police Station 10, dakong 9:00 pm nang pumasok sa TGIF restobar si Geisler.
Makaraang makai-nom ng alak at malasing, pinabantayan sa guwardiya ang aktor na hindi nagustuhan ni Geisler.
Sa pagkaasar, itinulak ni Geisler ang guwar-diya at pinagmumura kaya nagtayuan ang mga kostumer at nagtakbuhan palabas dahilan para tumawag ng pulis ang pamunuan ng restobar.
Sa kulungan, itinanggi ni Geisler na siya ay nagwala, nanggulo at nagmura, ngunit aminadong nakainom.
Hamon ng aktor, para mapatunayang totoo ang kanyang sinasabi, hiniling niyang irebyu ng pulisya ang CCTV footage sa restobar.
“Hinuli na lang ako nang basta-basta. I was just sitting down quietly, enjoying my drinks. Yes, I had a few drinks… and just very, very quiet. Please do not just speculate and get the right evidence. This is very uncomfortable, seriously” pahayag ni Geisler.
Ayon kay Geilser, tahimik siyang umiinom nang bigla na lamang si-yang paligiran ng mga pulis kasama ang guwar-diya at pilit siyang inaa-resto, gayong wala siyang alam na kaso.
Gayonman, humingi siya ng kapatawaran sa mga kostumer sa nasa-bing restobar.
Dagdag ni Dela Cruz, si Geisler ay nakatakdang sampahan ng kasong alarm and scandal at unjust vexation sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Magugunitang ilang beses nang inaresto ang aktor dahil sa reklamong pagwawala sa tuwing nalalasing.
Si Geisler ay naging kotrobersiyal din makaraan niyang ihian ang aktor na si Ping Medina na anak ng beteranong aktor na si Pen Medina
.
(ALMAR DANGUILAN)