Monday , December 23 2024

PCOO dapat ibida si Tatay Digong hindi ang mga sarili nila

HINDI natin alam kung natutulog ba ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) o talagang ang pagkakaintindi nila ay sila dapat ang bida.

Kasi ba naman, kapuna-puna na imbes accomplishments ng Pangulo ang kanilang iulat, wala silang ibang ginagawa kundi ang pabidahin ang kanilang sarili.

Nautot lang nang konti ang isang taga-PCOO, gagawan na agad ng puwet ‘este press release.

Samantala si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, sunod-sunod na ang tsismis na tinatrabaho umano ng destabilization plot.

Nagtataka naman tayo kung bakit hindi Intelligence group ang nagsasalita nang ganito.

Ultimo LTFRB, nagdadaldal na ang tigil-pasada ay destabilization plot.

‘Yan ang problema sa mga ‘urot’ na napuwesto sa administrasyon ni Pangulong Digong.

Walang ginawa kundi magpakalat ng mga tsismis o kaya naman gawing bida ang mga sarili nila.

Paalala lang sa PCOO, hindi kayo inilagay diyan para pasikatin ang mga sarili ninyo.

Ang pasikatin ninyo ang Pangulo! Iulat ninyo ang accomplishments ng Pangulo at ang accomplishments ng mga ahensiya ng pamahalaan na totoong nagtatrabaho.

Huwag kayo magpalaki ng yagbols ninyong kasing-sukat ng ‘jolens’ sa karuwagan kaya kung ano-anong tsismis lang ang ikinakalat.

Palagay natin, panahon na para magtaka si Tatay Digs kung bakit bumabagsak ang kanyang ratings.

Panahon na po Tatay Digs. Panahon nang suriin ang mga taong nasa pali-paligid lang ninyo.

Sabi nga, “Kaiiangat kayo!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *