Monday , December 23 2024

Nora Aunor tagumpay sa kanyang 50th anniv sa showbiz (Pinagwelgahan man ng katrabahong mga aktor)

BAGO idaos nitong Sabado ang selebrasyon ng Golden Anniversary o ika-50 anibersaryo ng nag-iisang Superstar ng industriya na si Ms. Nora Aunor na ginanap sa Asucena Hall ng Sampaguita Gardens sa Greenhills, naglabasan ang balitang hindi makadadalo ang mga aktor na nakatrabaho noon ni Ate Guy, kabilang na ang orihinal niyang kalabtim nang ilang dekada na si Tirso Cruz III, Christoper de Leon (ex- husband ng Superstar) at iba pang naging bahagi ng karera sa showbiz.
Maging ang mag-inang Janine (Gutierrez) at Lotlot de Leon ay hindi rin nag-commit na makararating dahil daw sa trabaho.
Well, may kani-kaniya silang dahilan para hindi sila masisi ng diehard supporters ni Nora sa bansa at abroad na nag-organize ng event o selebrasyon ng limang dekada ng kanilang idol sa showbiz. Ganoon din para huwag silang magtampo sa mga nabanggit nating actors.
Majority kasi ng mga tagasuporta ni Ate Guy na dumalo ay may mga edad na kaya’t very sensitive talaga sila lalo’t sinuportahan naman nila nang todo noon ang loveteam nina Nora at Tirso.
Pero malungkot man ay hindi nagpaapekto ang fans, ang importante sa kanila ay si Ate Guy, na sobra silang pinasaya nang gabing iyon na buong ningning na pinasalamatan silang lahat.
Wala man sa okasyon sina Lotlot at Janine ay dumating naman ang panganay ni Nora na si Ian de Leon, at dalawang adopted son na sina Kiko at Kenneth. Basta para sa Noranians, walang artista na puwedeng pumantay sa naabot ng kanilang one and only Idol Superstar.
Mula sa aming lahat dito sa Hataw D’yaryo ng
Bayan No. 1 sa Balita, happy, happy 50th anniversary Ate Guy!

“FPJ’S ANG PROBINSYANO”
NI COCO, RATINGS 47% NA

DAHIL talagang feel na feel panoorin ng mga kababayan natin sa rural areas ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay patuloy sa pamamayagpag sa ratings at nanatiling number show sa buong bansa ang pinagbibidahang action drama series ni Coco Martin na ngayon ay isang certified director ng sariling pelikula na “Ang Panday” na entry ng sikat na actor sa Metro Manila Film Festival 2017.
May episode ang serye na umabot sa 47% ang rating sa rural base sa datos ng Kantar National TV Ratings.
Well we heard na nagugustuhan ng televiewers ang mga eksenang napapanood nila sa Pulang Araw, na hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa kuta si Cardo/Fernan (Martin). Madalas kasi ay aksiyon ang mga eksena at parehong mahusay sa field na ito sina Coco at Lito Lapid na gumaganap na Leon sa FPJAP.
Matindi rin ang dating ni Jhong Hilario bilang si Alakdan na number one kontrabida ngayon sa nasabing palabas. Ngayon ay binabantayan na ni Cardo ang lahat ng mga kilos ni Alakdan dahil amoy na niya ang mga ilegal na aktibidad na ginagawa nito na may proteksyon ng maimpluwensiyang si General Renato Hipolito (John Arcilla) at Major Catindig (Sid Lucero).
Kumikita ang grupo niya nang limpak-limpak na salapi (milyones). Ang misis naman ni Cardo na si Alyanna (Yassi Pressman) ay hindi na alam kung ano ang iisipin kay Cardo na hindi matanggap kung bakit sumapi ang mister sa Pulang Araw at bakit walang ginagawa sa nangyaring bagong pagsabog sa Plaza ng Malate Manila na kagagawan ng mga rebelde na pumatay rin sa anak nila ni Cardo na si Ricky Boy (Al Vaughn Chier Tuliao).
Lahat ng iniisip ni Alyanna sa asawa ay taliwas sa totoong ginagawa nito sa Pulang Araw, na ang hangad ay mapagtagumpayan ang kanyang misyon na lumabas ang totoo at panagutin sa batas ang maysala.
Patuloy na umeere ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida sa ABS-CBN2 at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng program, pumunta sa iWanTV at sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Paulo malapit na nga
bang maging normal?
May forever nga kaya
sina Nicholas at Sophia SA
“The Promise of Forever?”
SA episode ng “The Promise of Forever” na napanood nitong nakaraang Miyerkoles ay nagkaroon ng pag-asa si Nicholas (Paulo Avelino) na magkaroon ng normal na buhay bilang normal na tao matapos magtagumpay sa ginamit na formula sa kanya ni Chester (Nico Antonio).
Sinubukang sugatan ni Lawrence ang kanyang sarili at napansin ang hindi paghilom ng sugat kaya nag-assume ang binata na natanggal na sa kanyang katawan ang pagiging isang imortal.
At kaya ginagawa ito ni Nicholas ay dahil ayaw na niyang mawala sa kanya si Sophia (Ritz Azul) ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso at minamahal niya.
True love din ang namamayani sa puso ni Sophia para kay Nicholas at sa namumuong pag-ibig ng dalawa wala na kayang hahadlang para maging forever ito? Paano kung bumalik si Nicholas sa pagiging imortal niya at si Marlon (Tonton Gutierrez), kailan siya titigil sa panghihimasok sa buhay ng pangunahing bida ng “The Promise of Forever?”
Abangan ang lalo pang umiinit na mga tagpo sa nasabing romantic fantasy drama TV series na napapanood tuwing hapon pagkatapos ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN2.

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *