Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, nagsalita na ukol sa pagkamatay ng kapatid

ILANG araw ding nanahimik si Nadine Lustre ukol sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Isaiah or Ice kung kanilang tawagin sa social media at hindi rin ito nagpa-interview sa media.
Kaya naman all eyes ang lahat sa social media accounts ni Nadine na baka bigla itong mag-post kaugnay sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na kapatid.
At ‘di nga nabigo ang mga netizen na nag-aabang ng post nito dahil through Instagram, nakiusap ang aktres na huwag nang i-post at i-share ang mga litrato at video na kuha sa burol ng kapatid.
“Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you,” ang unang mensahe ni Nadine.
Sinagot din ni Nadine ang mga namba-bash sa kanya at nagsasabing ‘di siya apektado sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
“To everyone who’s been judging me for the past few days, remember this. You will always see me UP but never DOWN. So wag niyong hanapin. Get lost please.”
Dagdag pa nito, ”And to everyone who’s been sharing my stories of weakness, Im reading. Wait for me… I GOT U.”
Ilang celebrities din ang nagpahayag ng suporta kay Nadine gaya ng mag-asawang Gary at Angeli Valenciano, Bianca Gonzales at magkapatid naJames at Jack Ried.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …