MAGAANG katrabaho si Alessandra De Rossi ayon sa Hollywood actor na si Ivan Padilla sa pagsasama nila sa inaabangang pelikula ng Viva Films, ang 12 na mula sa direksiyon ni Dondon Santos at mapapanood sa mga sinehan nationwide sa November 8.
Ani Ivan, napakahusay na aktres si Alessandra at masayang katrabaho kaya naman ang pagsasama nila sa 12 ay naging dahilan para mas maging close sila at kalaunan ay maging mag-bestfriend.
Si Ivan ay alaga ng mahusay na actress na si Ms Suzette Ranillo at co- manage ng Viva Talent Agency. Bago nagdesisyon na mag-stay sa Pilipinas at subukan ang local showbiz ay marami ng nagawang proyekto sa America si Ivan.
Ilan dito ay ang Dexter at CSI: Miami, CSI : New York, at Closer na pare-parehong naging show niya sa telebisyon sa America. Nakasama rin siya sa pelikulang Here Comes the Boom at ayon dito sampung taon ang ginugol niya sa pag-aaral umarte sa America.
Check Also
Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema
MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …
Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla
PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …
Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …
Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine
INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …
Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis
MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …