Monday , December 23 2024

Impeachment trial kay Bautista, binaril ni Pres. Rody Duterte

OPISYAL nang tinanggap ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista nitong nakaraang linggo.

Naisahan ni Bautista ang mga mambabatas, hindi na nila siya maisasalang sa impeachment trial.

Tiyak na ang hindi natuloy na impeachment trial kay Bautista ay ikinalungkot ng mga PR na umaasang malaki ang kikitain kapalit ng serbisyo sa mainstream media at online bloggers.

Pero hindi pa tapos ang kalbaryo ni Bautista dahil tiniyak ng kampo ni Gng. Patricia na tuloy ang pagsasampa ng patong-patong na kaso laban kay Bautista sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa abogado ni Gng. Patricia na si Atty. Lorna Kapunan, “Criminal cases have to be filed against him, his mother, sister, brother, Atty. (Nilo) Divina, Smartmatic, Luzon Development Bank (LDB), etc. for plunder, bribery, graft, corruption, money laundering, recovery by the Gov’t of ill gotten wealth, tax evasion.”

naantay na lang daw ng kampo ni Gng. Patricia ang resulta sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kabilang sa mga ibinulgar ni Gng. Patricia ang 35 bank accounts ng asawa na naglalaman ng mahigit sa P300 milyones na deposito sa Luzon Development Bank (LDB); $12,778.30 na foreign currency account at peso account sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC); at isa pang bank account na may depositong HK$948,358.97 sa Hong Kong and Shanghai Banking Corporation (HSBC).

Ibinulgar din ni Gng. Patricia na si Nilo Divina, law dean ng University of Sto. Tomas (UST), ay nagbibigay ng komisyon kay  Bautista. Ang law office ni Divina ay abogado ng Smartmatic na supplier ng vote counting machines sa Comelec.

Ang mga deposito sa banko na nakapangalan kay Bautista ay pawang hindi deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Matatandaan na si yumaong dating Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona ay nadiin sa katulad na kaso.

At hindi pa rin lusot si Bautista sa ipatatawag na imbestigasyon ng Senado tungkol sa mga ibinulgar ng kanyang maybahay.

“P5-M DIVISION”
SA COMELEC

SAKALING may katotohanan ang pagtanggap ni Bautista ng komisyon sa Smartmatic, aba’y tiyak na magpupuyos sa galit ang mga botante na nababoy ang boto sa nakaraang 2016 elections.

Kasama sa mga dapat ukilkilin kay Bautista ang malaking katarantaduhan sa mga naaprubahang accreditation ng party-lists na dumaan sa tinaguriang “P5 Million Division” sa Comelec.

Kaduda-duda kung paano nakalusot sa Comelec at kung saan kumuha ng boto ang mga party-list na wala namang marginalized sector na kinakatawan.

Ang Comelec ay maraming itinatago sa mamamayan at panahon na para ang katotohanan ay lumabas sa itatakdang imbestigasyon ng Senado.

Wala nang option na pagpipilian si Bautista para makabangon at mapatawad ng sambayanan kung ‘di ang pagsisiwalat ng katotohanan at pag-amin sa kasalanan, kesehodang may masagasaan.

Dapat lang matuloy ang imbestigasyon kay Bautista dahil malaking krimen sa bayan ang pagtarantado sa eleksiyon.
Sabi nga, “For the truth shall set us free.”

‘BUTI NAKULONG
SI LEILA DE LIMA

NANANAWAGAN sa publiko ang nakadetineng si Sen. Leila de Lima para sa proteksiyon daw ng online blogger na kamakailan ay nagpakilalang nasa likod ng Pinoy Ako Blog.

Kung ‘di pa pala nakulong si De Lima ay hindi niya matututunang rumespeto sa kalayaan ng pamamahayag at pagsasalita na nasasaad sa Saligang Batas.

Hindi kasi natin malimutan na noong 2011, sa pakiusap ni De Lima sa management ng DWIZ ay natanggal ang aking programa pagkatapos ng aming kilos-protesta na humihiling sa kanyang pagbaba sa puwesto bilang noo’y kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Iba pala ang paniwala at pagkakaintindi ni De Lima sa Freedom of Speech na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ‘pag siya ang nasa puwesto.

‘Buti na lang nakulong si De Lima!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *