Saturday , November 16 2024

BBWP huwag guluhin — Gov. Alvarado

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Mariing pinalalahanan ni Bulacan Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga opisyal ng iba’t ibang water district sa lalawigan  na huwag magsasagawa ng mga hakbang na makagugulo sa umuusad na Bulacan Bulk Water Project (BBWP) upang hindi makompromiso ang magandang biyayang hatid nito sa mga mamamayan ng Bulacan.

Ang paalala ay binanggit ni Alvarado sa kanyang radio program na “The Governor’s Hour” katuwang sa paghahatid ng tama at napapanahong impormasyon ang broadcaster na si Rommel Ramos.

Ayon sa gobernador, nakatanggap siya ng liham at mga kaukulang dokumento mula sa City of Malolos Water District Employees Union na ang isinusumbong na nagkaroon umano ng “joint venture” agreement and CMWD at and Prime Water Infrastructure Corporation (PWIC), isang pribadong kompanya.

via GIPHY

Sinabi ni Alvarado, hindi uubra ang kasunduang ito at kasabay niyang pinaalalahanan ang pamunuan ng iba pang  water districts na sila’y lumabag sa kontrata na sumusuporta sa implementasyon ng BBWP.

Nabatid na base sa “joint venture” agreement ng CMWD at PWIC, inoobliga umano ang mga empyedao ng water district na kumuha ng early retirement o magpa-absorb sa PWIC.

Bukod dito, naka-programa umanong itaas ang singil sa tubig kapag umiral na umano ang naturang kasunduan.

Iginiit ng gobernador na hindi niya papayagang matuloy ito.

“Unang-una, lalabag sila sa kanilang kasunduan sa BBWP at ang malinaw dito — saan sila kukuha ng supply ng tubig kapag umaagos na sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan ang malinis na surface water mula sa ating kabundukan,” anang gobernador.

Inihayag ni Alvarado na nasa pipe-laying stage na ang BBWP at inaasahang makararating ito sa Malolos bago matapos ang taong 2018 o sa mga unang buwan ng 2019.

“Ngayon ay binigyan na tayo ng pagkakataon na matikman natin ang tubig na nagmumula at biyaya ng kalikasan at likas na yaman na galing sa ating kabundukan. Hindi natin papayagan na ito ay masabotahe ng iilan,” dagdag ni Alvarado.

Binanggit din niya na kanyang ipapatawg ang mga opisyal ng iba’t ibang water district upang talakayin ang kontrobersiyang ito at ipaiinspeksiyon sa kanila ang kanilang mga tangke upang masigurong ligtas ang structural integrity.

Nauna rito, nakapanayam ng broadcaster na si Ramos si Malolos City Vice Mayor Gilbert “Bebong” Gatchalian at tinanong kung ano ang gagawing hakbang ng Sanguniang Panglungsod hingil sa kontrobersiya ng water district.

Ngunit, malinaw na tila walang kaalam-alam sa joint venture agreement ng CMWD at PWIC.

Nangako si Gatchalian kay Ramos na kanilang aalamin ang naturang kontrobersiya.

(VHIOLY ROSATAZO ARIZALA & MICKA BAUTISTA)

About Vhioly Rosatazo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *