Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuwento at ‘di artista ang nagdadala ng pelikula — Alessandra

ISANG baguhan na naman, si Ivan Padilla, ang leading man ni  Alessandra de Rossi sa kanyang pelikulang 12. Diyan sa pelikulang iyan, nag-level up pa si Alessandra, dahil hindi lamang siya artista kundi sinasabing sa kanya pa ang kuwento at siya rin ang sumulat ng script ng pelikula.
“Kasi naniniwala ako wala sa artista iyan eh, nasa kuwento talaga. Kahit na sino ang artista, basta maganda ang kuwento ng pelikula panonoorin iyan ng mga tao. Magiging hit iyan. Kagaya nga niyong pelikula namin ni Empoy, wala namang nagsabing naging hit iyon dahil kami ang artista. In fact wala ngang nag-isip na iyon ay magiging malaking hit. Pero naging hit iyon dahil sa kuwento.
“Matagal ko nang sinasabi iyan eh. In fact mas nauna pa nga itong project na ito na ako ang gumawa ng script. Mas nauna ito eh, kaya lang at that time nag-iisip pa sila kung sino ang kukuning artista. Noong maging hit iyong pelikula namin ni Empoy, mukhang nakumbinsi ko sila sa sinasabi ko na wala sa artista iyan. Kahit na sino basta marunong umarte ok lang, kasi ang tao naman nanonood ng pelikula dahil sa kuwento,” sabi ni Alessandra.
Palagay namin tama siya, kasi kahit naman noong araw, ang kuwento ang mahalaga. Ang ugali nga ng mga Pinoy, lahat sila nakapanood na ng sine, pero pagkatapos niyon nagkukuwentuhan pa sila tungkol sa istorya ng pelikula. Karaniwan nang basta hindi nila nagustuhan ang pelikula, ang sinasabi nila “pangit ang istorya”. Wala namang nagsasabing pangit ang artista eh.
Pero iyon nga, nang magpasukan ang mga “magagaling na director” puro technicality at opticals ang ginagamit, wala nang kuwento. Mayroon pa hindi marunong magkuwento, apat na oras na ang pelikula malabo pa rin ang kuwento. Iyan ang mga pelikulang hindi pinanonood ng mga tao.
Tama si Alessandra, kuwento ang nagdadala sa pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …