Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Joshua, suspek sa pagkamatay ni Albert sa “The Good Son” (Tapatang Joshua-Jerome, mas tumitindi…)

MAS magiging palaisipan ang bawat gabi ng mga manonood ngayong madidiin ang ina ni Joseph (Joshua Garcia) na si Racquel (Mylene Dizon) sa kaso ng pagkamatay ng kanyang ama sa Kapamilya primetime series na “The Good Son.”
Isang dokumento ang nakuha ni SPO1 Colmenares (Michael Rivero) na nakalahad ang criminal records ni Racquel at nagpapakitang mayroon siyang taong pinagtangkaan ang buhay sa kanilang probinsiya. Dahil dito, madidiin siya bilang suspek at uungkatin ang kanyang nakaraan na maaaring magpatunay sa kaugnayan niya sa pagkamatay ni Victor (Albert Martinez).
Mas sumisikip ang mundong ginagalawan nina Joseph at Enzo (Jerome Ponce) ngayong parte na sila ng iisang basketball team. Lalong uminit ang kanilang bangayan matapos pagbintangan ni Enzo si Joseph na sumira sa kanyang kotse, kaya naman mas maraming tao na ang humuhusga sa pagkatao niya.
Dahil sa kaguluhang dala ng pangalawang pamilya ni Victor, hindi titigil si Olivia (Eula Valdez) na maalis sila sa kanilang buhay at lalong patutunayang sila ang may sala sa pagkamatay ng asawa.
Si Racquel na nga ba ang hinahanap na suspek sa pagkamatay ni Victor? Paano malalabanan ni Joseph ang panghuhusga ng iba sa kanyang pagkatao? Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” gabi-gabi pagkatapos ng “La Luna Sangre” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …