Saturday , November 23 2024

Honest immigration officer

ISANG magandang ehemplo ang ipinamalas ng isang Immigration Officer (IO) sa airport nang isauli niya sa mga kinauukulan ang US$1,900 na kanyang natagpuan sa kanyang counter sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraang September 7.

Si IO Reimond Abegail Lagman na noon ay naka-duty sa kanyang counter bilang “officer of the day” ay nagulat matapos makita ang isang envelope na naglalaman ng 19 piraso ng $100.

Hindi nagdalawang-isip ang IO at agad isinauli ang kanyang natagpuan sa mga opisyal ng airport.

Dahil dito ay agad pinuri ni BI Commissioner Jaime Morente ang magandang ipinamalas ng batang IO.

Ayon sa BI Commissioner, ipinagmamalaki niya na marami pa rin ang mga empleyado sa Bureau na gaya ni IO Lagman na tapat sa tungkulin at hindi basta nasisilaw sa salapi.

Kahit pa nga dumaranas ng ibayong hirap dahil sa kakulangan ng kita.

Pinangaralan noong nakaraang Lunes si IO Lagman matapos ang flag raising ceremonies ng ahensiya.

Congratulations, IO Reimond Abegail Lagman!

Mabuhay ka, iho!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *