Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Honest immigration officer

ISANG magandang ehemplo ang ipinamalas ng isang Immigration Officer (IO) sa airport nang isauli niya sa mga kinauukulan ang US$1,900 na kanyang natagpuan sa kanyang counter sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraang September 7.

Si IO Reimond Abegail Lagman na noon ay naka-duty sa kanyang counter bilang “officer of the day” ay nagulat matapos makita ang isang envelope na naglalaman ng 19 piraso ng $100.

Hindi nagdalawang-isip ang IO at agad isinauli ang kanyang natagpuan sa mga opisyal ng airport.

Dahil dito ay agad pinuri ni BI Commissioner Jaime Morente ang magandang ipinamalas ng batang IO.

Ayon sa BI Commissioner, ipinagmamalaki niya na marami pa rin ang mga empleyado sa Bureau na gaya ni IO Lagman na tapat sa tungkulin at hindi basta nasisilaw sa salapi.

Kahit pa nga dumaranas ng ibayong hirap dahil sa kakulangan ng kita.

Pinangaralan noong nakaraang Lunes si IO Lagman matapos ang flag raising ceremonies ng ahensiya.

Congratulations, IO Reimond Abegail Lagman!

Mabuhay ka, iho!!

ANG PAGBABALIK
NI IO PAUL BORJA, BOW!

ATIN munang i-WELCOME ang pagbabalik sa eksena ni Immigration of-fixer ‘este Officer POL BORJA!
Huh!? Anong eksena?

Eksenang fixing, ano pa ba?!

Sa mga hindi nakakikilala kay IO Pulpol ‘este Paul let me give you a short background and brief history ng nasabing IO.

Si Paul Borda ‘este Borja ay sumikat noong panahon ni ng dating BI Commissioner Ronaldo Geron dahil sa kanyang special talent.

Ganern!?

Anong talent itetch?

Kasi nga, siya lang ang may pinakamalakas na loob noong mga panahong iyon para magtatak ng E-6 visa?!

Wattafak!?

E-6? E hindi ba’t bawal nga ‘yan?

Ang alam natin mahigpit diyan ang bansang South Korea lalo at dispalinghado ang nasabing dokumento.

‘Yun na nga!

Pero dahil kakaiba nga ang kapal ‘este tapang ng arrive ni Pulpol ‘este Pol, kabi-kabila ang kanyang mga tinatatakan na “E6” kaya ganoon na lang ang gigil sa kanya noon ni dating POD Chief na si Teody Pascual.

Kahit pa nga katakot-takot na NTE or Notice To Explain ang kanyang natanggap ay tuloy pa rin daw ang kanyang “monkey business?”

Kaya naman para matigil ito ay pansamantala muna siyang binigyan ng “staycation package” sa isla ng Batuganding para makapag-soul searching?!

Susmaryosep!

Ngayon dumating ang Digong Administration, napalitan ang mga dating nakaupo na sina Commissioners Ronaldo Geron, Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo, kaya muli nabuhay ang lumamlam na career ni IO Borja.

Ngekk?!

Bucket??

Kilalang Samar group ‘yan ‘di ba?

And when you say Samar group, alam ng lahat na very close ‘yan sa puso ni Pabebe Boy Miswa ‘este Mison?

That includes Atty. Tangnangsinko, Tobalats, Lilotsky, etc., etc!

Too many to mention sabi nga?!

How about Madam Ursulawlaw bewang? ‘Di ba Samar group din ‘yan?

Sa ngayon ay pinalad na makapuwesto bilang Alien Control Officer (ACO) sa Tacloban and no one knows kung sino ang bagyong pumadrino sa kanya sa puwestong ‘yan.

Well, I doubt kung aware si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre na may nakapuwesto pa rin sa BI na very, very close kay Madam Leila de Saba ‘este De Lima!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *