Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seven Sundays ng Star Cinema P10 milyon kinita sa unang araw (Rated PG sa MTRCB at Graded A sa CEB)

DINUMOG ng moviegoers ang pelikula ni lady blockbuster director Cathy Garcia-Molina, ang makatotohang kuwento ng bagong family drama movie sa Star Cinema na “Seven Sundays” na tumatalakay sa isyu ng magkakapatid na Bonifacio na ginagampanan nina Aga Muhlach bilang Allan, Bryan (Dingdong Dantes), Cha (Cristine Reyes), at Enrigue Gil bilang bunso sa magkakapatid na si Dex.
Sa katunayan, sa unang araw ng pelikula ay nagrehistro agad ng P10 milyong kita ang pelikulang pinaniniwalang aantig sa damdamin ng bawat pamilya.
Bukod sa isyung magkakapatid ay makikita sa pelikula kung paano nila maibabalik ang kanilang Sunday family get-togethers at gagawin ba nila ito alang-alang sa malapit nang pumanaw na ama na si Allan portrayed by veteran actor Ronaldo Valdez.
At sa sobrang ganda at kalidad ng materyal at bagong atake ng nasabing family drama movie ay nabigyan ito ng mataas na gradong A ng Cinema Evaluation Board(CEB) at Rated PG naman sa Movie Television and Classification Board.
At kung dinumog ng sangkaterbang fans ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema, ay maganda rin ang box office returns nito nang mag-open sa mga sinehan nationwide last October 11.
At sa premiere night ay sinuportahan ang lead cast ng mga mahal nila sa buhay kabilang ang magandang wife ni Aga na si Charlene Gonzales at kambal na sina Atasha at Andres at si Dingdong na kasamang dumating ang actress wife na si Marian Rivera at pretty daughter nilang si Baby Zia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …