BIGONG sampahan ng kasong Plunder ang dalawang dating deputy commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na sina Al Argosino at Michael Robles.
Alam ba ninyo kung bakit?!
Kasi ang narekober na kuwarta sa dalawa ay umabot lamang sa P49,999,000.
Kulang ng P1,000 para maging P50 milyones.
Kaya sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Office of the President (OP) magsagawa ng independent investigation sa “obvious obstruction of justice” sa P50-milyon bribery scandal na kinasangkutan ng dalawang dating deputy commissioners ng BI.
Kinuwestiyon dati ni Drilon kung bakit sina Argosino at Robles ay hindi nasampahan ng kasong non-bailable plunder charges hinggil sa bribe money na sinasabing kanilang tinanggap mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.
Nasagot ito sa ginanap na deliberasyon sa budget ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes ng gabi, nabatid na ang narekober na pera ay P49,999,000 halaga na lamang.
Wattafak!
Nagkulang pala ng P1,000 para sa posibleng plunder case. Ang threshold amount para sa plunder ay P50 milyon.
Hindi lang sila abogado, magagaling pa silang accountant.
Hak hak hak!
Hindi na tayo nagtataka kung bakit umusok ang ilong ni Drilon.
Hindi rin daw dapat ang DoJ ang magsagawa ng imbestigasyon, dahil ang BI ay nasa ilalim ng nasabing kagawaran.
“I call on the Office of the President to constitute an independent probe or the Ombudsman to conduct an independent probe as to this very obvious amateur way of obstructing justice,” dagdag ni Drilon.
Magugunitang sina Argosino, Robles, at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ay fraternity brothers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa San Beda-based Lex Talionis Fraternity.
Ang P50 milyon ay sinasabing ibinigay kapalit ng paglaya ng 1,316 illegal Chinese workers na inaresto sa pagsalakay sa casino ni Lam sa Pampanga.
Habang ang National Bureau of Investigation (NBI) ay naghain ng graft at direct bribery charges laban kina Argosino at Robles sa Office of the Ombudsman.
Pakiramdam ni Drilon, nilinis ng DoJ ang sarili nilang kalat.
At ano nga naman ang dapat asahan?
Siyempre, gusto nilang maging ‘malinis na malinis’ ang paglilinis sa ‘sarili nilang bahay.’
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com