Monday , December 23 2024

Dapat dumaan sa impeachment si Comelec Chair Andres Bautista (Kung gustong malinis ang kanyang pangalan)

NAGHAIN ng kanyang pagbibitiw kamakalawa si Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista sa kanyang puwesto.

Pero manunungkulan pa raw siya hanggang katapusan ng 2017 (Disyembre 31).

Pero ang biruan nga, nauna pa raw naghain ng kanyang pagbibitiw sa Twitter si Bautista kaysa tanggapan ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.

Ang siste, napikon ang Kamara sa panggugulang ni Bautista kaya binaliktad ng Kamara sa botong 137-75 ang naunang desisyon ng House justice committee na ibasura ang impeachment complaint makaraang isalang ang report sa plenaryo.

Dalawang mambabatas ang nag-abstain sa botohan.

Kaya simula kamakalawa, itinuturing na isinakdal (impeached) si Bautista kaya kinakailangan niyang sumailalim sa nakatakdang paglilitis sa Senado na tatayo bilang impeachment court.

Pero ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, puwede pang makaiwas si Bautista sa impeachment trial kung magiging epektibo na agad ang pagbibitiw niya bilang pinuno ng Comelec.

Oo nga naman bakit hindi irrevocable resignation ang inihain ni Bautista at may pahabol pang handa pa rin daw siyang maglingkod kung itatalaga ng Pangulo.

May hinihintay pa kayang pabaon si Sir Andy?!

O marami pa siyang aayusin at lilinisin sa opisinang kanyang iiwanan?!

Marami sigurong ‘kalat’ ang nakaraang eleksiyon na kailangang linisin?!

Sabi nga ni Speaker Alvarez, “Baka naman nakatunog siya na matatalo siya sa plenaryo, inunahan niya ngayon ng resignation. Pero ginawa niyang end of the year. Siguro para to convince us na huwag nang ituloy ang deliberations sa plenary,” ani Alvarez.

Kaya kung ang resignation umano ni Bautista ay effective immediately, wala na raw ii-impeach ang Kongreso.

Sa isang banda parang naamoy naman natin ang mga secret deal.

Nitong nakaraang 20 Setyembre 2017, ibinasura ng House committee on justice ang impeachment complaint laban kay Bautista dahil wala umanong “personal knowledge” sa mga alegasyon ang mga complainant na sina Ferdinand Topacio at Jacinto Paras.

Ang reklamo kay Bautista ay naglalaman ng iba’t ibang akusasyon, isa na rito ang bintang ng sarili niyang asawa na mayroon siyang halos P1 bilyong tagong yaman.

Marami ang nagtaka noon kung bakit ibinasura ng Kamara ang impeachment complaint.

Ngayon natin napagtanto na nagkaroon ng secreat deal na magbitiw na lang si Bautista para huwag nang i-impeach.

Pero mukhang hindi sumunod sa ‘deal’ si Bautista kaya biglang binaliktad ng Kamara ang kanilang naunang desisyon.

Ganoon ba ‘yun, Speaker Alvarez?!

Pakisagot na nga Sir Andy?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *