IPINAKITA na sa FPJ’s Ang Probinsyano ang isa sa mga highlight nito. Iyon ‘yung tumatakas sila ni Yam Concepcion mula sa isang ospital habang nagbabarilan ang mga miyembro ng SAF at Pulang Araw.
Hindi madaling gawin ang eksenang iyon dahil may karga-karga pang bata si Coco at inaalalayan pa si Yam. Sabi tuloy ng mga nakatutok sa teleserye para silang nakapanoood ng pelikula ni Fernando Poe Jr.. Peg na peg talaga ni Coco si FPJ.
Nagpakilang gilas naman si Lito Lapid na mistulang aksiyon na aksiyon talaga siya. Hindi pa rin nawawala ang galing niya sa paggawa ng action. Naroon pa rin kasi ang mabilis niyang pagkilos.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com