Monday , December 23 2024

Sen. Koko pinalagan si PNP chief DG Bato

INGRATO raw ang mga Filipino na hindi man lang nakita ang pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) nang bigyan sila ng kapanatagan lalo sa disoras ng gabi.

Ang maysabi niyan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Listen to this bulging man, mukhang walang alam gawin kundi ang umiyak at manumbat sa mga taong dapat na pinaglilingkuran nila.

Kung tutuusin, kapos na kapos ang ‘common sense’ nitong si Bato.

Nang sabihin ni Digong na ‘patayin’ his men take it literally. Lalo na ‘yung mga utak-pulbura.

Pero ang kaya lang palang patulan e mga batang walang muwang.

Sonabagan!

E kung bigtime ‘yang mga pinapatos ninyo, baka ipagtayo pa kayo ng monumento.

Mismong si Senate President Koko Pimentel, hindi na nakatiis.

Mantakin ba namang tanungin ni Bato kung hindi ba nararamdaman ng Senador ang kapayapaan as in ‘peace’ kapag naglalakad sila sa kalye dahil sa isinusulong umano nilang war on drugs.

Dahil wala na raw nagkalat na mga loko sa gabi Naku, hindi lang peace, Gen. Bato, rest in peace!

At wala na talagang lumalabas sa gabi dahil kahit hindi sila kabilang sa mga bumibiyahe ng ilegal na droga, malamang ma-tokhang sila.

Gaya nang nangyari kina Kian, Carl at Kulot.

Sabi nga ni Senator Koko, “Where is the peace and order that [Philippine National Police Director General Ronald] dela Rosa says the people are ungrateful for?”

Nasaan nga ba Gen. Bato? Bakit hanggang ngayon ay wala kayong maiharap na riding-in-tandem, kung talagang hindi mga pulis ang may gawa niyan?

Sabi ninyo, awayan sa ilegal na droga. E alam pala ninyo, bakit hindi man lang ninyo mahuli?!

Kapag naipakita na ninyo sa sambayanan na hindi mga pulis ang riding-in-tandem na ‘yan, masusudsod na ninyo kung bakit nagpapatayan ang mga sindikato ng ilegal na droga.

Hindi sapat na rason, na komo sila-silang mga ilegalista ang nagpapatayan ay mananahimik na lang ang PNP at manonood kung paano magpatayan sa harap ng mga inosente nating kababayan ang mga naglalabanang sindikato ng droga.

Hindi mareresolba ang iba pang krimen at hindi ninyo mapapanagot kung sino ang mga taong sangkot sa ilegal na gawain kung hindi ninyo sisimulan sa riding-in-tandem.

‘Yan ay kung totoong hindi sangkot ang PNP diyan. Hangga’t wala kayong nahuhuling riding-in-tandem na sangkot sa maraming patayan, hindi ninyo mapapawi ang pananaw ng maraming mamamayan na mismong ang law enforcers ang lumalabag sa umiiral na batas.

So, Gen. Bato, please make up your mind, and do your duty very well. May makita man lang kaming tunay na pagbabago sa hanay ng pulisya bago kayo magretiro.

Makaaasa ba ang sambayanang Filipino, Gen. Bato?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *