AMINADONG nawindang ang multi-awarded actor na si Allen Dizon sa X-rating na nakuha ng pelikula niyang Bomba (The Bomb), sa unang review nito.
“Siyempre ay nagulat ako, nalungkot ako, dahil hindi ko naman ini-expect iyong ganoon. Kasi, ito ‘yung ginagawa mo talaga, ito ‘yung passion mo, ang gumawa ng pelikula, tapos mae-X ang pelikula mo. So, ang sama naman ng dating sa akin niyon bilang artista at bilang tao na rin,” saad niya.
Wika ni Allen, “Siguro, kasi medyo may pagka-brutal ‘yung killing sa pelikula e, pero hindi naman parang pa-wholesome or pa-cute ang pelikula, e. Kumbaga, ganoon talaga ang tinutumbok ng story e. Siguro nagkataon rin na baka gustong magpa-impress o mag-strict ng MTRCB. Nagkataon lang siguro na sa first review nila, siguro ay nagkataon lang na masama ang gising nila.
“Pero hindi ko masabing pinag-iinitan ang movie or what. Siguro may reason naman talaga, pero huwag namang ma-X iyong pelikula. Kumbaga, bigyan naman dapat ng pag-asa iyong pelikula.”
Ang naturang pelikula ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Ralston Jover, sa second review nito ay nakakuha ito ng R-13.
Samantala, sasabak ang Bomba sa 33rd Warsaw International Film Festival. Sa galing na ipinamalas dito ni Allen (nang mapanood namin ito sa special screening sa Fishermall last week), marami ang nagsasabi (kabilang na si Direk Ralston) na panlaban ang acting na ipinamalas ni Allen, bilang isang pipi na parang bombang sumabog nang sa isang iglap ay animo gumuho ang kanyang mundo.
Ano ang reaction mo na teaser pa lang, ang dami nang pumupuri sa iyo sa pelikulang ito? Saad ni Allen, “Siyempre nakaka-excite para sa akin na ma-appeal ‘yung trailer, siyempre nae-excite ako lalo na kasi, ipalalabas na namin ito sa Warsaw at isang A-list festival ito. Siyempre iyon ‘yung parang bonus, ‘di ba? International release na kasi agad, festival na agad. Sana ay mas maganda ‘yung kalalabasan kapag napanood na ng mga tao ‘yung pelikula. Pero siyempre, nakatataba ng puso ‘yung mga papuri. Everytime naman, lahat naman ibinibigay ko ‘yung best ko e, bilang artista.”
Aminado rin si Allen na isa ang Bomba sa pinakamahirap at challenging na papel na ginawa niya. “Para sa akin, isa ito sa pinakamahirap at pinaka-challenging, ang hirap kasing maging pipi, wala kang dialogue e. At mahirap din pag-aralan iyong sign language at kung paano sila gumalaw.”
Check Also
Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan
MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …
Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA
RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …
Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen
I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …
JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko
I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …
Dating sexy male star napeke ni aktres
ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …