Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez at Matt Evans, tampok sa BeauteDerm Meet and Greet sa Tuguegarao

ANG dalawang pangunahing endorsers ng BeautéDerm na sina Ms. Sylvia Sanchez at Matt Evans ay tampok sa Meet and Greet ng BeautéDerm sa grand opening ng branch nito sa Tuguegarao. Gaganapin ito sa October 28 (Saturday), 4pm sa Brickston Mall, Puenge Ruyu, Tuguegarao City.

Ayon sa masipag na businesswoman na si Ms. Rei Ramos Anicoche Tan, Chief Executive Officer at owner ng BeauteDerm, “Partner po natin sa Tuguegarao ay doctor at may skin clinic, siya si Dr. Omar Ramos kaya very happy po ako at excited kasi ay madadagdagan ang Beautederm babies natin sa Cagayan Valley area, grand opening po itong sa Tuguegarao.

“Bale international and national distribution na po tayo, pero ang may center talaga is Vigan, Isabela, Tagum, Davao Del Norte, Davao City, San Fernando, Pampanga. Sa Ilocos po, sub-office ko po roon.”

Bago ito, magkakaroon din ng Meet and Greet ang Beautéderm Ambassadors na sina Matt Evans at Yayo Aguila sa Grand Opening ng Beautehub by Beautederm, sa October 18, 3pm sa Maligaya 168, Dolores City, San Fernando, Pampanga.

Inusisa rin namin siya sa nangyaring Beaute Caravan sa Ilocos. “Nagkaroon kami ng Beaute Caravan sa Ilocos at awarding ng top resellers. Maraming pinasaya si ate Sylvia na mga taga-Vigan, Ilocos Sur sa pagdalo niya sa BeauteCaravan last October 1 sa Hotel Salcedo. Kasama rin namin dito ang Beautederm ambassador na si Shyr Valdez. Sa Ilocos po overwhelming ang naganap doon, kasi ang dami na pong resellers at magaganda po mga resellers ko! Hehehe! Nagpapatunay lang na no false ads ang product natin. Maganda na sila, kumikita pa,” nakangiting saad ni Ms. Rei.

Bukod sa bagong products na Blanc and Don’t Bug Me, nalaman din namin kay Ms. Rei na may bagong dagdag sa Beautederm family at bagay na bagay na endorsers ang mga nasa-bing artista. “Yes sir, magkakaroon ng surprise additional BeauteDerm babies. Ire-reveal namin iyan very soon, sa next launch namin.”

Incidentally, congrats kay Ms. Sylvia Sanchez dahil tumanggap siya ng award bilang Outstanding Citizen of Nasipit, Agusan del Norte mula sa Nabata group. Itinanghal din siyang Best Actress in a TV Series para sa The Greatest Love sa 7th EdukCircle Awards. Bukod pa ito sa Teleserye Actress of The Year sa PEP awards-Year 4 para sa TV series na The Greatest Love pa rin. Nauna rito, na-nalo rin siyang Best Actress sa GEMS, Gawad Tanglaw, at KBP Golden Dove.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …