Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, ‘di pa muling makagagawa ng pelikula

SI Congresswoman Vilma Santos ang pinarangalang Most Influential Star ng Eduk Circle, isang samahan ng mga educator mula sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas, na nagbibigay ng pagkilala sa mga tao at samahan sa media sa loob ng pitong taon na. Ang award ay personal na tinanggap ni Ate Vi sa AFP Theater noong isang araw.

Ang malungkot lang na balita para sa mga Vilmanian, wala pa palang tinatanggap na ano mang project si Ate Vi mula sa mga script na nasa kanya na ngayon.

“Alam mo magaganda talaga ang material, nanghihinayang ako. Kaya nga sinabi ko sa kanila na ibigay na muna nila sa ibang artista iyong mga project dahil sayang naman. Eh ako talaga kahit na anong tingin ang gawin ko, hindi ko kaya sa ngayon eh. Three days nasa session ako, kailangan umaga pa lang nasa office na ako. Weekends naman kailangan nasa Lipa ako, dahil nakikipagkita naman ako sa mga tao roon para malaman kung ano nga ba ang problema at kung anong solusyon ang magagawa namin.

“Hindi ba sinasabi ko sa inyo noon, siguro kung nasa congress na ako, mas magkakaroon ako ng time dahil sa kapitolyo ang tindi ng trabaho ko. Pero kasi iyong trabaho ko naman sa kapitolyo, sanay na ako eh. Siyam na taon kong ginagawa iyon. Ok naman ang lahat ng katrabaho ko, kaya puwede kong sabihin na puwede ba gagawa muna ako ng pelikula.

“Sa congress hindi puwede iyong ganoon. Kailangan kung may session naroroon ka. Sa rami nga ng trabaho nagkakasakit na ako.

Last time matindi ang atake ng ulcer ko, kasi minsan talaga hindi ka na makakain dahil sa rami ng trabaho at mga taong kailangan mong pakiharapan.

“Siguro makakasanayan ko rin, at makakapag-adjust din pero hindi pa ngayon. At saka hindi ba talaga namang ganyan ako kung gumawa ng pelikula. Bago itong ‘Everything About Her’ ang sinundan iyong ‘Healing’, na sumunod naman doon sa ‘Ekstra’. Talagang may pagitan  ng dalawang taon. Pero mas gusto ko na iyong ganoon kaysa gumagawa ka ng gumawa ng pelikula na wala rin naman. Tapos na iyong panahon namin na paramihan ng pelikula. Sa kalagayan ko ngayon, kailangang mamili na ako kung ano na lang ang gagawin, at kailangan maganda talaga,” patapos na pahayag ni Ate Vi.

HATAWAN
ni Ed de Leon



Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …