MAGPAPAHINGA muna si John Lloyd Cruz.
Ito ang natanggap naming email mula kay Kane Errol Choa, Head, Integrated Corporate Communications kaya naman hindi na magagawa ng aktor ang anumang commitment niya ngayon.
Sa statement ng ABS-CBN, napagakasunduan ng dalawang panig na mag-indefinite leave of absence muna si JLC para ayusin ang bagay-bagay.
Magbabakasyon muna sa ibang bansa ang aktor para magpahinga. At itutuloy ni John Lloyd ang iba’t ibang proyekto niya matapos ang kanyang leave of absence.
Narito ang kabuuan ng statement ng Kapamilya Network.
“ABS-CBN and John Lloyd Cruz have agreed for him to take an indefinite leave of absence to attend to personal matters.
John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.” (MVN)