Monday , December 23 2024

Water tank sumabog 2 sanggol, 2 pa patay (Sa San Jose del Monte, Bulacan)



APAT ang patay kabilang ang dalawang sanggol, 44 ang sugatan nang sumabog ang isang 2,000-cubic meter water tank sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay San Jose Del Monte Police chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang water tank at rumagasa ang tubig sa mga bahay at establisiyemento sa palibot nito.

Kinilala ang mga namatay na sina Jimmy Garcia, 50; Elaine Chamzon, 20, Jaina Espina at Niña Aipe, kapwa sanggol, habang 44 ang naitalang nasugatan na pawang isinugod sa ospital.

Nabatid sa ulat, tinatayang aabot sa 2,000 cubic meters ang capacity nang bumigay na tangke ng San Jose del Monte Bulacan Water District.

LUMATAG na parang galvanized iron ang sinabing sumabog na tangke ng San Jose del Monte Water District sa Barangay Muzon, ng lungsod, na ikinamatay ng dalawang sanggol, at dalawang katao pa, at ikinasugat rin ng 44 residente.

Sinabi ni Gina Ayson Su ng SJDM Disaster Risk Reduction and Management Office, pitong taon ang edad ng nasabing tangke.

Bukod sa hindi bababa sa 60 bahay na nasira, nadamay rin ang ilang establisiyemento gaya ng gasoline station at maging ang himpilan ng compact police ng San Jose del Monte, kasama ang kanilang police mobile.

Inaalam pa ang dahilan kung bakit ito bumigay ngunit ayon sa isang caretaker sa lugar, naganap ang pagsabog dakong 3:30 am at may narinig silang tunog nang pagkasira o crack mula sa tangke.



Task force bubuuin
para sa water
tank explosion

BUBUO ng task force ang lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, Bulacan para magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pagsabog ng isang water tank sa Brgy. Muzon, nitong Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, pangunahing tututukan ng task force ang sanhi ng pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng 44 katao.

Magiging katuwang ng lokal na pamahalaan ng SJDM ang Philippine National Police at iba pang concerned agencies.

Sa panig ng PNP, sinabi ni Supt. Fitz Macariola, bagama’t wala silang nakikitang bakas na may nagpasabog sa tangke ay hindi nila isinasantabi ang angulo ng pananabotahe.

Sa katunayan, kumuha sila ng mga tauhan mula sa Scene of the Crime Operatives at Explosives and Ordnance Division ng PNP para alamin kung ano ang tunay na sanhi ng pagsa-bog.

Samantala, hugas-kamay ang general manager ng San Jose Water na si Loretto Limcolioc sa insidente.

Aniya, tama ang structural design ng tangke at hindi substandard ang mga materyales na ginamit sa konstruksiyon.

(MICKA BAUTISTA)



SJDM WATER DISTRICT
AT PRIME WATER JVA

ISANG linggo bago ang pagsabog ng water tank,

naglunsad ng kilos-protesta ang Alliance of Consumers’ Protection (ACP) dahil sa napipintong pakikisosyo at pagbili ng sapi ng Prime Water sa San Jose del Monte District Water.

Ang Prime Water ay sinabing pag-aari ng pamilya nina Senador Cynthia Villar na mayroong mga subdibisyon sa lungsod.

nina MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA/VHIOLY ARIZALA



About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *