NAGBIGAY ng tulong si Senadora Cynthia Villar sa pamilya ng OFWs na bumalik sa bansa.
Ito ay makaraan dumanas ng iba’t ibang pagmamaltrato sa kanilang mga amo sa ibang bansa.
Sinabi ni Villar, ang tulong pinansiyal at sari-sari store package ay malaki ang maitutulong upang makapagsimula sila ng bagong buhay.
Lubos na nagpasalamat kay Villar ang pinakahuling beneficiaries ng assistance program ng Villar SIPAG, na nakaupong director ang senador.
(CYNTHIA MARTIN)