KUMBAGA sa lighter na Zippo, one click lang ang kompirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) kay retired general Roy Cimatu bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Napaksuwerteng tunay!
Malayong-malayo sa kapalaran ni Madam Gina Lopez na hindi lang ilang beses nakaranas ng bypass kundi ilang beses pang naging biktima ng pang-iintriga ng kanyang detractors.
Sabi nga ng mga observer, iba raw talaga kapag mayroong suporta.
‘Yun ‘yon e! Suporta ang kailangan noon ni Madam Gina pero hindi dumating.
Para siyang dinala sa Lions’ den pero iniwanan at hindi na binalikan.
Kaya buong-buo nang ‘lunukin’ ng mga hayok sa kapangyarihan at mga pakinabang si Madam Gina.
By the way, ano ba ang mayroon kay retired general Cimatu na wala kay Madam Gina?!
Hindi naman puwedeng ‘balls’ kasi parang mas marami ngang ‘balls’ si Madam Gina kompara sa ibang opisyal ng gobyerno na naitatalaga ng administrasyon.
Siguro nga, nagkamali si Madam Gina nang isinapubliko niya ang kanyang sentimyento at damdamin tungkol sa illegal mining at open pit mining.
Siguro, kung naging tahimik si Madam Gina at pinigil muna niya ang simbuyo ng kanyang damdamin laban sa mga operator ng illegal at open pit mining, malamang nakalusot siya.
O kaya kinuha muna niyang ‘temporary adviser’ si Finance Secretary Sonny Dominguez, baka nakalusot siya nang walang kahirap-hirap.
Nakita ninyo si retired general Roy Cimatu, mula nang italaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte tahimik lang, walang ingay.
Kaya naman siguro mabilis pa sa one-click na Zippo ang kompirmasyon sa kanyang ad interim appointment ng makapangyarihang CA.
Anyway, congratulations General Cimatu, Sir!
Sabi nga ni tatay Digs, gusto niyang kasama sa Gabinete ang mga military man dahil may disiplina at mahusay magtrabaho.
Hihintayin din namin kung ipasasara ninyo ang mga illegal mining at open pit mining na labis na nakasisira sa ating kapaligiran.
Kumbaga sa isang apprentice, you are under observation, Secretary Cimatu.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com