Sunday , December 22 2024

Ingrato?

ISANG bintana sa niloloob ang ginawang panunumbat ni Philippine National Police Director General Ronald dela Rosa na ingrato raw ang mga kritiko ng war on illegal drugs dahil nakikinabang din naman daw sila sa ibinubungang “peace and order” ng kanilang kampanya laban sa droga.
Una, lumalabas na ibig pala ng hepe ng pambansang pulisya na tumanaw ng utang na loob ang taongbayan sa kanilang pagtupad sa tungkuling pinili at sinumpaan. Nakalimutan niya na hindi sila pinilit ng bayan na maging pulis, na sila ay boluntaryong naging lingkod ng bayan, na ang kanilang tunay na salalayan ng kapangyarihan ay soberanya ng bayan na kanya ngayong sinusumbatang ingrato.
Pangalawa, ano ang sinasabi niyang “peace and order” gayong halos araw-araw, umaga o gabi, ay may bumubulagta sa daan – bata, matanda, babae o may kapansanan – dahil “Patay nang Patay” na naka-motorsiklo?
Anong peace and order ang sinasabi niya kung laging nangangamba ang mga magulang na baka humandusay sa daan ang kanilang mga anak o mahal sa buhay?
Sa huling bilang ng Human Rights Defenders, simula nang pumasok ang administrasyong Duterte na nag-upo sa kasalukuyang pamunuan ng PNP sa poder, ay umaabot sa mahigit 13,000 ang namamatay kaugnay sa nagaganap na digmaan laban sa bawal na gamot at halos lahat sila ay mahihirap na mamamayan.
Hindi kaya ang ibig sabihin ng “peace and order” para sa pinuno ng PNP ay katahimikang hatid ng mga pinatay?
Hindi katahimikan kundi kapayapaan ang hangad ng bayan dahil lagpas sa hinihinging katahimikan ang kapayapaan. Malinaw sa mga nagaganap na patayan araw-araw na ang PNP ay naging tagapagpatahimik na lamang at hindi nagagampanan na maging tunay na tagapamayapa ng bayan.
Kung tutuusin ang hepe ng pambansang pulisya at lahat ng mga pinuno ng pamahalaan, ang dapat magpasalamat sa taongbayan dahil sa pamamagitan ng kanilang soberanya ay nabigyan kayo ng pagkakataon na maging lingkod, isang dakila at marangal na gawain. Huwag isisi sa taongbayan ang kawalan ng kakayahan at kakulangan sa husay ng PNP.
Uulitin ko sa wikang Ingles dahil baka hindi ito maintindihan, ang ibig sabihin ng Usaping Bayan: “What the people need in their lives is the peace of the living not the silence of the more than 13,000 dead.”
***
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga grupo ng Triad mula sa Tsina ang pangunahing supplier ng shabu sa bansa. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com
Sana ay makaugalian ninyo na bisitahin lagi ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.
***
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni REV. NELSON FLORES, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *