Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay

BUGBOG-SARADO ng mga kapitbahay ang isang lalaki makaraan pagtangkaang halayin ang isang dalagita sa opisina ng grupong Ka-damay sa inookupahan nilang pabahay sa Pandi, Bulacan, nitong Miyerkoles.

Sa ulat mula sa Pandi police, kinilala ang suspek na si Albert Barcenas, kapitbahay ng 16-anyos biktima.

Ayon sa ulat, nalasing ang dalagita makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nang malasing, nakatulog ang biktima sa opisina ng grupong Kadamay.

Ayon sa pahayag ng biktima, nang maalimpungatan siya ay nasa ibabaw na niya ang nakahubo nang si Barcenas.

Itinulak niya ang suspek at tumakas saka nagsumbong sa mga kaibi-gan hanggang sinugod ng mga kapwa residente si Barcenas at binugbog.

Todo-tanggi si Barcenas sa paratang ng menor de edad habang nasa kulungan ng Pandi Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong attempted rape.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …