Aries (April 18-May 13) Mainam ang sandali ngayon para sa pagpapahinga at pagre-relax.
Taurus (May 13-June 21) Ang katatagan na posibleng magpasaya sa iyo ngayon ay mahirap matamo.
Gemini (June 21-July 20) Nawiwili ang mga tao sa iyong pagiging palakaibigan at mapagbiro.
Cancer (July 20-Aug. 10) Maraming trabahong sasalubong sa iyo ngayon kaya tiyak na mapapagod ka.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mahalaga sa iyong maipakita ang pagmamahal at malasakit sa iyong love partner.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Hindi magiging matatag ang iyong mood sa maghapon.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mainam ang sandali ngayon sa aayusing mga bagay gayondin sa pagresolba ng ilang mga problema.
Scorpio (Nov. 23-29) Maaaring may kaharaping hindi inaasahang gastusin ngayon bunsod nang napasok na gulo ng isang kaanak.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Madali mong makokombinsi ang sino man dahil sa iyong karisma.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring may matuklasan na karamdaman ngunit hindi dapat mangamba dahil hindi ito malubha.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang sitwasyon ngayon ay mainam sa komunikasyon, pagbabahagi ng opinyon at pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
Pisces (March 11-April 18) Mag-isip nang mabuti kaugnay sa iyong opinyon tungkol sa mahalagang isyu.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring pangibabawan ka ng iyong emosyon bunsod ng mga negatibong insidente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com