Sunday , December 22 2024

Pag-aaring publiko ang mga pinunong bayan

MAINIT ang pagtatalo ng mga miron kung tama ba o mali na hindi pansinin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginagawang imbestigasyon ng Tanggapan ng Ombudsman kaugnay sa umano ay kahina-hinalang ugat ng yaman ng kanyang pamilya.

May nagsasabi na dahil “bias” ang imbestigasyon ng Ombudsman ay marapat lamang na hindi ito pansinin ni Duterte. Tama lang daw anila na huwag niyang bigyang kredibilidad ang panggigipit ng nasabing tanggapan sa kanya at kanyang pamilya.

Gayonman, may nagsasabi sa kabilang banda na bilang pangulo ng bansa ay dapat maging ehemplo sa lahat ng mga tagapamahalaan kung paano maging “statesman” sa pamamagitan ng pakikiisa sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman. Dapat din na maging malinaw na hindi komo nakikiisa ang isang iniimbestigahan ay malalagay siya sa alanganin dahil sa tinatawag na self incrimination na maaring gamitin laban sa kanya sa hukuman.

Idinagdag ng isang miron, na kung sakaling may palagay ang Pangulo na ginagawa lamang ng nasabing tanggapan ang imbestigasyon para gipitin o harasin siya o kanyang pamilya, ay may mga hakbang na legal para matugunan ito, ngunit hindi kasama sa mga kilos na ito ang banta niyang hindi pakikiisa sa Ombudsman.

Sang-ayon ang Usaping Bayan sa sinabi ng huling miron.

Bilang pinuno ng Filipinas, sumumpa ang pangulo sa harap ng Dios at Bayan na kanyang susundin, itatanghal at ipagtatanggol ang batas. Dahil dito ay dapat lamang niyang panindigan ang kanyang sinumpaang tungkulin na kinabibilangan nang pagtatanghal, hindi pagbalewala, sa Ombudsman.

Napakabigat ng kanyang tungkulin kung paano aakto nang tama sa pamumuno dahil ginagamit itong pamantayan nang lahat na naglilingkod sa ehekutibong sangay ng pamahalaan.

Isipin lamang ang gulong mangyayari kung lahat ng empleyado ng pamahalaan ay hindi papansinin ang atas ng ibang tanggapan, lalo ng hukuman o ‘yung tinatawag na quasi-judicial bodies gaya ng Ombudsman. Magkakaroon ng tinatawag na constitutional crisis na ang tanging makikinabang ay mga grupo na ayaw sa kasalukuyang demokrasya at kalayaan na tinatamasa ng sambayanan.

Bilang pangwakas ay hayaan ninyo ang Usaping Bayan na ibahagi sa inyo ang paglalagom sa punto ng ikalawang miron gamit ang wikang Inggles:

The President is sworn to uphold and protect the law thus, in our humble opinion, if he refuses to cooperate with the Office of the Ombudsman’s probe of his and his family’s alleged questionable wealth, he is violating the oath he took before God and country, and committing an actionable offense, aside from the fact that he is setting a bad example for others. Even the mere threat to withhold cooperation is already conduct unbecoming of the president and, we submit, a violation of his oath.

We further humbly submit that if President Duterte feels aggrieved by the actions of the Ombudsman, there are lawful means to address it but, as the highest public official of the land, refusal to cooperate is not one of them. That is simply an obstinate behavior that has no place in the running of the affairs of the State.

***

Dating kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura na si Proceso Alcala hindi na puwedeng tumangan muli ng puwesto sa pamahalaan ayon sa Tanggapan ng Ombudsman. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang Beyond Deadlines sa www.beyonddeadlines.com

Sana ay makaugalian ninyong bisitahin ang website ng Beyond Deadlines at panoorin ang segment nito sa Pinoy Houston TV o Howdy Philippines channel ng YouTube. Salamat po.

***

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon ng lugar. Salamat po.

USAPING BAYAN
ni Rev. Nelson Flores, Ll.B., MSCK

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *