Wednesday , November 6 2024

Bigyang pugay ang mga guro

TINANGKANG abutin ng 19,000 mag-aaral ng University of Santo Tomas (UST) ang Guinness World Records sa pagbubuo ng human sentence na “My Teacher is My Hero” bilang pagkilala sa mga guro na magdiriwang ng World Teacher’s Day sa 5 Oktubre 2017. (BONG SON)

BAGO pa tuluyang magwakas ang National Teacher’s Month bukas, 5 Oktubre, na nagsimula noong 5 Setyembre, bigyan natin ng huling pagpupugay at pasasalamat ang mga guro na nagsisilbing mga magulang ng ating mga anak sa paaralan.

Alam natin na hindi madaling maging guro. Bukod sa bigat ng trabaho na kanilang kailangang gawin, mas mabigat ang responsibilidad na iniaatang sa kanya ‘di lang ng mga magulang ng bawat bata kundi mismo ng buong lipunan.

Kaya dapat silang bigyang pagkilala ‘di lang ng kanilang mga estudyante kundi ng bawat magulang din dahil sila ang katuwang ng bawat tahanan na humuhubog sa values ng ating mga kabataan at sila na gumagabay at lumilinang ng karunungan at potensiyal ng bawat mag-aaral.

Nawa’y bigyan din sila nang higit na pagkilala ng pamahalaan para sa kanilang mga sakripisyo, lalo pa’t alam natin na hindi ganon kakasiya-siya ang kanilang mga suweldo kung ikokompara sa bigat ng kanilang responsibilidad. Maalagaan sanang mabuti ang ating mga guro.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *