KABI-KABILA ang nakita nating protesta at narinig nating galit sa pagpaslang sa mga kabataan na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Duzman (na hanggang ilibing ay kuwestiyonable kung siya nga ang bangkay dahil hindi nag-match ang DNA result sa kanyang mga magulang) na kinasasangkutan ng mga pulis-Caloocan.
Katunayan, nanawagan pa ang iba’t ibang sektor laban sa administrasyong Duterte dahil sa sinasabing extrajudicial killings.
Ang tanong lang naman natin, kung concern ang mga nasabing sektor sa walang habas na pamamaslang, bitbit ang drug war ng Duterte administration, bakit hindi sila naging concern sa tatlong provincial doctors na pinaslang nitong taon lang na sina Dr. Dreyfuss Perlas, na pinatay sa Lanao del Norte noong 1 Marso 2017, habang ang ophthalmologist na si Shahid Jaja Sinolinding ay pinaslang sa kanyang clinic sa Cotabato City noong 18 Abril 2017, at si Dr. George Repique, provincial health officer ng Cavite ay binaril sa likod ng riding-in-tandem noong gabi ng 11 Hulyo 2017 habang nasa kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay.
Ano na ang nangyari sa kaso ng tatlong doktor?!
Nag-follow-up ba ang Department of Health (DoH) sa status ng kaso ng tatlong doktor nila?!
Nagsalita ba ang akademya sa pagpaslang sa tatlong doktor? Ang mga militante, nagalit ba at nanawagan ba ng pagbibitiw ni Digong dahil sa pinaslang na tatlong doktor?!
At higit sa lahat, kumibo ba ang mga nag-rally sa Plaza Miranda at sa Luneta para alamin kung ano na ang status ng kaso ng tatlong doktor na pinaslang?!
Wala tayong narinig at mukhang walang interesado, mamatay man o patayin ang mga doktor na naglilingkod sa malalayong probinsiya para sa maliliit nating kababayan.
Ngayon, gusto natin tanungin, may ginawa pa si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa sa mga pulis o sa hepe nila na hanggang ngayon ay walang ulat kung ano nangyari sa kaso ng mga pinaslang an doktor?
Umaasa tayo na mayroong ginawa si Gen. Bato dela Rosa at umaasa tayo na seryoso siyang resolbahin ang kaso ng pamamslang sa tatlong barrio doctors.
THE VIETNAM HOLIDAY
THAT NEVER WAS
Dear Sir Jerry Yap,
Sorry for entitling this letter the way my husband and I had experienced, because of the incompetency, negligence and incorrigible work attitude of some Cebu Pacific staff.
It really brought us distress, stress, anxiety and an almost failed vacation.
Ang pinangarap at pinagplanohan naming Vietnam holiday ay tila naging ‘disaster’ nang pagdating namin sa Tan Son Nhat International Airport Terminal 2 ay matuklasan namin na ang personal luggage ko ay napunta sa Hong Kong? (Hello! Hangover IV ba ito?)
How come?! Hanggang ngayon, ‘yan ang inihihingi namin ng paliwanag sa Cebu Pacific, but they keep on ignoring us. Hopefully this is not a policy of the Cebu Pacific management. Wish ko lang, ano?
Alam ba ninyong, nagbayad pa ako ng P1,500 dahil umabot sa 8.7 kilograms ang luggage ko imbes 7 kilograms?!
Gusto ko na lang sisihin ang Cebu Pacific staff na naka-assign diyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pero at the same time, gusto ko rin sabihin sa Cebu Pacific management na please hire very competent people to save your face and your company.
Alam po ba ninyo Cebu Pacific, ang trip naming mag-asawa sa Vietnam ay matagal na naming pinaplano at pinapangarap. Kaya naman nang matuloy ito ay tuwang-tuwa kami.
Excited sa kabila pa ng excited.
Only to experience a Vietnam holiday that almost a never was.
Wala akong masabi sa accommodation ng Tan Son Nhat International sa bilis nilang mag-email sa Cebu Pacific para malaman kung saan napunta ang luggage ko, kaya nga nalaman namin agad na nasa Hong Kong.
Habang natataranta ako at nag-aalala sa na-misplaced kong luggage, ang Cebu Pacific naman ay tila walang pakialam kung ano ang nangyari sa pasahero nila.
Pinangakuan pa kami na ihahatid daw sa hotel na tinutuluyan namin sa Vietnam ang luggage. Kaya siyempre, kinailangan naming bumili ng damit ko, toiletries and other women’s necessities.
At iyon ay wala sa budget namin, kaya ibig sabihin may mga itinerary kaming hindi na nagawa at mga pasalubong items na hindi na nabili para makatipid dahil bigla ngang nagkaroon ng unexpected expenses.
(Sa totoo lang, habang namimili kami ng mga kailangan namin, naaalala ko ‘yung movie na Hangover. At ngayon ko na-realize, iba ang movie sa real life. Ibang-iba lalo na kung ikaw mismo ang naka-experience.)
Dahil may kasabihan na, “the show must go on” pinilit na lang naming mag-asawa na i-enjoy ang na-bad trip na biyahe according to our resources kaysa naman ma-spoil, lalong sayang ang gastos.
‘Yun sa awa siguro ng Cebu Pacific, ‘sinikap’ nilang maibalik sa akin ang luggage ko, not in Vietnam, but here in the Philippines, two days after we arrived in the country.
Ang saya, ‘di ba Sir Jerry?
Heto pa, pag-uwi namin and after na makuha ang aking luggage, wala man lang kaming narinig na sorry mula sa Cebu Pacific. Kahit ang mga staff na naroon, nada!
Nag-email ang husband ko pero, ni ha, ni ho, wala kaming natanggap na response mula sa sa kanila.
Isang tanong lang po, Sir Jerry, are Cebu Pacific staff and management unremoarseful in distress, stress, anxiety and discomfort brought by their incompetent, negligent and incorrigible staff to their passenger like what we had experienced?
Kung dati ay inirerekomenda ko ang Cebu Pacific sa mga kaibigan at kamag-anak, ngayon, hindi ko alam kung gagawin ko pa ito. We are very disappointed.
Thank you for the space Sir Jerry, and hopefully people from Cebu pacific would find time to communicate with us.
Sincerely,
Mr. & Mrs. Edwin Reodique
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com