Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

New Generation Heroes na Advocacy film alay sa mga guro, showing na ngayon!

PALABAS na ngayong Oct. 4 ang New Generation Heroes, isang advocacy film na handog para sa mga guro sa World Teachers Day. Naging matagumpay ang premiere night nito na ginanap last September 29 sa Megamall Cinema-8. Maraming manonood ang na-touch sa pelikula, lalo ang mga guro mismo.

Mapapanood dito ang iba’t ibang klase ng mga guro tulad ni Ms. Aiko na kailangan pang pumunta sa Korea para roon magturo. Kailangan niyang magsakripisyo na mapalayo sa pamilya para lang masiguro ang kanilang future.

Saad ni Aiko, “Regalo po namin ang movie para sa mga guro, kaya sana sa mga students, they take time out para manood ng isang pelikulang makabuluhan. Para they can appreciate their teachers more kapag napanood nila ang pelikulang ito.”

new generation heroes

Hatid ng Golden Tiger Films ni Mr. Gino Hernandez at sa pamamahala ni Direk Anthony Hernandez, tampok din sa pelikula sina Ms. Anita Linda, Jao Mapa, at Joyce Peñas na isang model, fashion and jewellery designer at co-producer din sa pelikula. Kasama rin dito sina Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario.

Si Ms. Joyce naman ay typical na guro na kailangan magbenta ng kung ano-ano kaya matatawag siyang isang raketerang guro. Na kailangang magsipag talaga para matustusan din ang pagpapagamot sa anak na may celebral palsy. Ang mga karakter nina Jao at Ms. Anita naman dito’y sumasalamin sa ibang klase ng guro. Retiradong titser ang 93 year old na veteran actress, na nakilala si Jao na may-ari naman ng junk shop. Hindi nakatapos ng pag-aaral si Jao, kaya sa kagustuhang makatulong sa mga kabataang hindi nag-aaral, nagtuturo siya sa kanila.

Ayon naman kay Direk Anthony, “Masarap sa pakiramdam po ang makagawa ng pelikula na magbibigay aral or magbubukas sa kaisipan ng mga manonood. Kaya ang New Generation Heroes ay alay namin po sa lahat mamamayang Filipino, dahil lahat po tayo ay dumaan sa ating mga guro. Sana mapanood po nila dahil dito nila makikita ang kahalagahan ng edukasyon at ng mga guro sa buhay ng bawat isa sa atin. Ito po ay tribute namin sa mga guro, dahil alam naman natin kung gaano kahalaga ang papel na ginagampanan nila sa ating lipunan.”

Wika niya, “Ang New Generation Heroes is a touching film that narrates the story of four individuals that tackles the world of teaching in all its forms.”

Showing na ngayon ang pelikulang New Generation Heroes na halos kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day na ginaganap tuwing October 5.

https://www.facebook.com/newgenerationheroesofficial/?ref=br_rs

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …