Tuesday , December 31 2024

Panlilinlang sa gobyerno?

NAKALULUNGKOT na makitang ang mga opis-yal ng Gabinete na itinalaga mismo ni President Duterte ang hindi sumusunod sa patakaran na inilatag ng pa-mahalaan.

Pumutok kamakai-lan ang isyu na may mga reduction o pagbabago na napuna ang mga taga-media sa deklarasyon ng ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Gabinete sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) mula Disyembre 2016 na ini-release ng Malacañang Records Office.

Bilang depensa ay tinukoy ng Malacañang ang Data Privacy Act at sinabing natatakot ang ilang tao na magamit ang sensitibong personal na impormasyon na nakalagay sa kanilang SALN upang makapang-harass ng ibang personalidad o kaya ay makagawa ng pamemeke.

Maging si Presidential Spokesman Ernesto Abella ay nagsabing ang mga naglilingkod sa gob-yerno ay mayroon pa rin “right to privacy.”

Pero ayon kay Attorney Ariel Ronquillo, assistant commissioner for legal concerns ng Civil Service Commission (CSC), ang mga address lang ang pinapayagang malagyan ng shade o maitiman sa SALN ng opisyal ng gobyerno.

Ayon sa CSC ay hindi dapat masakop ng Data Privacy Act ang SALN ng opisyal dahil ang natu-rang records ay dapat nagpapakita ng transpa-rency.

Nilinaw ni Ronquillo, in charge sa mga SALN, na dapat walang itinatago ang mga opisyal at handang ipakita sa mga mamamayan kung paano kumikita at yumayaman habang naglilingkod sa gobyerno. Dapat daw malaman ng lahat na hindi ginagamit ang posisyon upang payamanin ang sarili sa ilegal na pamamaraan.

Ayon sa alituntunin na inisyu ng CSC ay puwede lang itiman ang address sa SALN pero ang ibang mga detalye ay dapat maging bukas sa publiko. Ang pag-shade sa halaga ng ari-arian at lokasyon ng real properties ay hindi pagsunod sa mga alituntunin.
Iimbestigahan pa raw ng CSC kung sino ang dapat managot sa naganap na mga pagbabago at pag-shade sa mga detalye sa naturang SALN ng mga opisyal.

Pero sa agarang pagtatanggol ng Malacañang sa kanilang Cabinet officials, ang tingin ng iba ay para na rin nilang inamin ang kanilang pananagutan sa naturang isyu.

Alalahaning ang mga opisyal ni Duterte ang dapat nagpapakita ng magandang halimbawa at magsilbing huwaran para sundan ng ibang naglilingkod sa pamahalaan.

Pero kung sila mismo ang hindi susunod sa mga alituntunin ng gobyerno at maglilihim ng kanilang yaman ay walang dahilan para hindi sila pagdudahan ng mamamayan. Pagsira ito sa pagtitiwala ng publiko at tiyak na sasalamin sa Pangulo.

Naniniwala ang Firing Line na ang pagtitiwala ay parang papel na kapag nalukot at napunit ay hindi na maaaring manumbalik pa sa dati.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.



About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *