Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mabuhay DoJ 120th anniversary!

NITONG nakaraang Linggo ay ipinagdiwang ng Department of Justice ang kanilang ika-120 anibersaryong pagkakatatag.

Ang selebrasyon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na ang pangunahing panauhing pandangal ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang speech sa buong kagawaran, ini-emphasize ng Pangulo na hangga’t siya ang tumatayong presidente ng bansa isusulong pa rin niya ang tamang pagpapatupad ng batas para mabigyan ng proteksiyon ang buong sambayanan.

Para sa kanya, ito ang isinasaad ng ating Saligang Batas, ang pagsunod sa Konstitusyon at ipatupad ang batas sa lahat kahit sino pa ang tamaan.

Tuloy pa rin daw ang kanyang adbokasiya laban sa ilegal na droga ngunit handa raw siyang magbitiw sa puwesto anumang oras na mapatunayan na meron siyang nakaw na yaman!

Sa temang “Grace and Justice, 120 Years of Service to the Filipino People” patuloy pa rin ang mandato ng Kagawaran ng Katarungan na isulong ang tamang hustisya, labanan at sugpuin ang kriminalidad at sapat na suporta sa correctional system ng bansa.

Sa pangunguna ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre naging masaya at makabuluhan ang nasabing pagdiriwang.

Dinaluhan din ito nang halos lahat ng mga kawani ng DOJ.

Noted ang presence ni PAO Legal Chief Percida Acosta at ang iba pang state prosecutors na nakatalaga sa DOJ maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kahit pa nga kaliwa’t kanan ang tinatanggap na batikos ng kalihim at hinihingi ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, nananatili pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ni Pangulong Duterte.

Para sa buong Department of Justice, ipinaaabot po namin ang buong puso naming pagbati para sa inyong ika-120 anibersaryo!

Mabuhay po kayo!

KOLEKTONG
SA MGA PASUGALAN
RATSADA PA RIN!

PATULOY
palang umiikot at nangongolektong ng “weekly payola” sa iba’t ibang mga pasugalan ang mga nagpapakilalang vice-squad ng grupong Crame ng PNP.

Habang patuloy na itinatanggi ng isang heneral sa Crame na wala siyang inuutusan na mangolekta ng linguhang I.N.T. sa mga ilegal na pasugalan ay patuloy sa pangongotong ang mga nagpapakilalang vice-squad sa mga pasugalan na gamit ang pangalan ng nasabing heneral.

Ang mga vice-squad ‘kuno’ na nag-iikot at nangongotong sa mga pasugalan ay kinilalang sina alias PO3 Dally-Say at SPO4 Tsua sa MPD, Ting Lasaro at Martin sa CAMANAVA, SPO4 Kolyading at Karl ng QCPD, Rockee at Dyigs Sebilyano naman sa SPD at Marsyall sa EPD.

Ayon sa ating source isang alyas Boyet Kalabaw ang siyang nag-uutos sa mga nasabing collector para kumuha ng weekly payola sa mga ilegalista sa buong National Capital Region (NCR) at sa kanya rin inire-remit ang kabuuang koleksiyon.

Bukod daw sa limang distrito ng NCR ay umiikot din at nanghihingi ng I.N.T. sa mga pasugalan sina alyas Jhun Alibadbaran at Emeng Makasakit mula sa Region-4A.

Samantala ang mga pasugalan naman mula sa labas ng NCR gaya ng Region 3, Region 1 at Region 5 ay direkta mismo na ibinibigay ng mga ilegalista ang kanilang intelihensiya sa isang alias Master M. gaya ng masiao, suertres, bookies ng STL, jueteng, at iba pang mga ilegal na pasugalan.

Nabatid ng source, ang intelihensiya na nakukuha naman sa paihi, patulo, smuggling at iba pa na nanggagaling sa Clark, Angeles, Bulacan, Valenzuela, Pampanga, Cavite at Region-4A ay bank to bank naman na ipinapasok sa account ni Master M. at saka ipapadala sa tao ni General na may alyas na Harrasko.

Ayan po chief PNP DG Bato Dela Rosa, ang magagaling mong tauhan na ang inaatupag ay kolektong pa rin sa kabila nang mahigpit ninyong utos na tigilan na ang gawain na ito.

Ang pangamba natin, baka pati po ang opisina n’yo ay pinangongolektong na ng grupong ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap



About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *