NITONG nakaraang Linggo ay ipinagdiwang ng Department of Justice ang kanilang ika-120 anibersaryong pagkakatatag.
Ang selebrasyon ay ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City na ang pangunahing panauhing pandangal ay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang speech sa buong kagawaran, ini-emphasize ng Pangulo na hangga’t siya ang tumatayong presidente ng bansa isusulong pa rin niya ang tamang pagpapatupad ng batas para mabigyan ng proteksiyon ang buong sambayanan.
Para sa kanya, ito ang isinasaad ng ating Saligang Batas, ang pagsunod sa Konstitusyon at ipatupad ang batas sa lahat kahit sino pa ang tamaan.
Tuloy pa rin daw ang kanyang adbokasiya laban sa ilegal na droga ngunit handa raw siyang magbitiw sa puwesto anumang oras na mapatunayan na meron siyang nakaw na yaman!
Sa temang “Grace and Justice, 120 Years of Service to the Filipino People” patuloy pa rin ang mandato ng Kagawaran ng Katarungan na isulong ang tamang hustisya, labanan at sugpuin ang kriminalidad at sapat na suporta sa correctional system ng bansa.
Sa pangunguna ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre naging masaya at makabuluhan ang nasabing pagdiriwang.
Dinaluhan din ito nang halos lahat ng mga kawani ng DOJ.
Noted ang presence ni PAO Legal Chief Percida Acosta at ang iba pang state prosecutors na nakatalaga sa DOJ maging sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kahit pa nga kaliwa’t kanan ang tinatanggap na batikos ng kalihim at hinihingi ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin, nananatili pa rin ang tiwala at suporta sa kanya ni Pangulong Duterte.
Para sa buong Department of Justice, ipinaaabot po namin ang buong puso naming pagbati para sa inyong ika-120 anibersaryo!
Mabuhay po kayo!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap