Wednesday , December 25 2024

‘Right’ ni Secretary Vitaliano Aguirre sa ILBO vs hazing suspects nakenkoy?!

NAGULANTANG ang sambayanan sa balitang isa na namang biktima ng hazing sa fraternity ang karumal-dumal na namatay.

Si Horacio Tomas “Atio” Castillo III, isang first year law student sa University of Sto. Tomas ay binawian ng buhay matapos siyang isugod sa Chinese General Hospital ng isang nagngangalang John Paul Sarte Solano, isa sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity at sinasabing kasama sa nagsagawa ng hazing initiation rites sa biktima.

Sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP at NBI, ipinag-utos ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity na sangkot sa ginawang “initiation rites” kay Castillo.

Labing-anim ang bilang ng Aegis Juris na napatawan ng ILBO at kabilang dito si John Paul Sarte Solano na siyang nagdala sa biktima sa ospital ngunit hindi agad nagpakilala na isa siya sa mga miyembro ng nasabing fraternity.

Agad na ipina-implement sa lahat ng paliparan sa bansa ang nasabing order para pigilan ang paglabas ng mga miyembro na tinamaan ng ILBO.

Pero teka, lalo namang nawindang ang isang ‘matanglawin’ o ‘yung may matatalas na mata nang mabasa ang tila hindi na-proofread (nang husto) ang ginawang ILBO ng DOJ.

Nakasaad sa unang bahagi ng “paragraph” ng nabanggit na ILBO ang katagang ‘during an initiation right’ of the said fraternity.

Susmaryosep!

‘Di ba dapat “initiation rites?!”

Malayong sabihin na ito’y typographical error lamang, magkaibang-magkaiba ang spelling. Maaari rin sabihin ng iba na ito ay maliit na bagay lamang at puwede nang palampasin.

Pero para sa inyong lingkod, erroneous ito dahil malaki ang pagkakaiba ng “initiation right” sa “initiation rites.”

Ayon sa online dictionary, ito ang ibig sabihin ng right: morally good, justified, or acceptable; true or correct as a fact; to the furthest or most complete extent or degree (used for emphasis); that which is morally correct, just, or honorable; a moral or legal entitlement to have or obtain something or to act in a certain way.

Heto naman ang ibig sabihin ng rite: A rite or a ritual is an established, ceremonial, usually religious, act. Rites in this sense fall into three major categories: rites of passage, generally changing an individual’s social status; ceremony, ritual, ceremonial.

Hayan, klaro ‘yan. Kaya malaking pagkakamali na maipagpalit ang rites sa right.

Bakit kamo?

Bukod sa sinasabi na ito ay memorandum from the Secretary of Justice, may mga bagay na teknikal sa ganitong klaseng direktiba na puwedeng makapagpalusot sa mga sangkot pagdating sa legal na aspekto ng isang kaso.

Bukod pa rito, ang pumirma sa ILBO ay Kalihim ng Kagawaran!

Hindi ba klarong-klaro na nakenkoy ang “right” ni Secretary Vit dahil sa kapalpakan na ‘yan?

Tama o mali, Atty. Pepper?!

Hindi naman siguro dapat maging katawa-tawa sa mata ng mga nakababasa ang isang pinirmahang kautusan ni Secretary Aguirre.

Imagine, puwede itong makarating sa ibang government officials, VIPs, foreign dignitaries at lalo na kay Pangulong Duterte.

Ano na lang ang sasabihin nila!?

So, kung sino ang gumawa o nag-type ng nasabing Immigration Lookout Bulletin Order, next time medyo idaan muna ninyo sa isang proofreader bago papirmahan ang isang mahalagang dokumento sa mga bossing n’yo!
Do your homework well, mga beshies!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap









About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *