Saturday , November 16 2024

May susunod pa kayang mamamatay sa fraternity hazing!?

AYON sa huling balita, bago pa man lumabas ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para sa 16 miyembro ng Aegis Juris Fraternity, isa sa mga kasama sa nasabing order ang nakalabas na agad ng bansa.

Si Ralph Caballes Trangia na isa sa primary suspects at kabilang sa iba pang “persons of interest” ang nakapuslit palabas ng bansa, isang araw bago lumabas ang ILBO na pinirmahan ni Secretary Vitaliano Aguirre.

Ayon sa record ng Bureau of Immigration, si Trangia ay lumipad patungong Taiwan sakay ng Eva Air flight BR262 nitong nakaraang Martes bago ilabas ang pinirmahang order ng DOJ.

Pinaghahanap din ngayon ang kanyang ama na si Antonio Trangia. Ang isang primary suspect na si John Paul Solano ay nakadetine na sa Manila Police District (MPD), matapos sumuko.

Nilinaw ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), nagsilbing transit point lang ang Taiwan kay Trangia patungong Chicago, USA.

Kaya sa kasalukuyan, hindi pa alam kung nasaan na ang nakababatang Trangia, gayondin ang kanyang ama.

Sana naman huwag magkamali ang ilang taga-airport na palusutin ang mga nasa ILBO na ‘yan.

Bayan muna bago bulsa!

Importanteng magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ni Atio at sana ay tuluyan nang maamiyendahan ang anti-hazing bill.

Mula pa noon ay maraming buhay ang nasayang dahil sa kapabayaan ng ilang mga kasapi o miyembro ng fraternities na ‘yan.

Ewan ko nga ba kung bakit hanggang ngayon ay ipinatutupad pa rin ang mga hazing na nakapamiminsala sa katawan ng isang gustong sumali o pumasok sa samahan.

Napakarami namang paraan para patunayan ang loyalty at dedication ng isang magiging member ng frat!

Sa dami ng nagbuwis ng buhay sa hazing, maraming pamilya ang naapektohan lalo na ‘yung mga magulang na umasang magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Karamihan sa kanila ay galing sa law school na may magandang bukas na naghihintay sana para sa kanila.

Kaya para sa mga kasalukuyang mambubutas ‘este mambabatas, i-fastrack ang amendment sa anti-hazing law!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *