ISA si Jao Mapa sa tampok sa advocacy film na New Generation Heroes ni Direk Anthony Hernandez. Ito’y mula sa Golden Tiger Films ni Mr. Gino Hernandez. At tampok din sa pelikula sina Aiko Melendez, Ms. Anita Linda, at Joyce Peñas, with Dexter Doria, Debraliz Valazote, Alvin Nakkasi, Aleera Montalla, Rob Sy, at JM Del Rosario.
Inusisa namin si Jao ukol sa kanilang pelikula na ipalalabas na nationwide, sa October 4.
“Bale masasabi kong trilogy ang New Generation Heroes. Tungkol ito sa tatlong guro sa iba’t ibang scenario. Si Ms. Aiko ay guro na OFW na shinoot pa sa South Korea ang ilang eksena niya, Ms. Joyce Peñas ay guro sa probinsiya, habang ako naman ay hango sa totoong karakter sa totoong buhay na si G. Efren Peñaflorida na nanalo sa CNN ng award sa determination niyang bigyan ng libreng education ang mahihirap sa pamamagitan ng eskuwelang kariton niya,” panimula ni Jao.
Makikita sa New Generation Heroes ang iba’t ibang klase ng guro at kung paano sila gumawa ng desisyon sa bawat pagsubok ay siyang sasalamin kung paano sila hinubog ng panahon at mga leksiyon na natutuhan sa buhay. Sa kabila ng kanilang pagiging ordinaryong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.
Since si Ms. Anita ang madalas mong kaeksena rito, paano mo siya ide-describe bilang aktres? “Shes a diamond in the rough. Very passionate and dedicated with acting. At 94 years old, her memory is still sharp. Still beautiful and radiant. It is an honor and a great pleasure to work with her.
“Me and Tita Anita would rehearse a lot of times before taking our scenes. Take one kami sa lahat ng scenes, of course with the support of everyone on the set from production up to the director with utmost patience and support. We would take longer in rehearsals but the dedication and patience is worth the wait dahil take one kami on most of our scenes with Tita Anita,” ani Jao.
Ngayong Biyernes (Sept. 29) ang premiere night nito sa SM Megamall, 6pm. Showing na ito sa Oct. 4 kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day.
MS. TESS CANCIO
NG GITANA FILMS, PROUD
KAY DEVON SERON
SA YOU WITH ME
SHOWING na ngayon ang pelikulang You With Me tampok ang Korean stars na sina Hyun Woo at Jin Ju Hyung at ang ex-PBB Housemate na si Devon Seron. Last Tuesday ay dinagsa ng maraming moviegoers ang ginanap na premiere night nito.
Maraming fans ang kinilig nang husto kina Hyun Woo at Jin Ju Hyung dahil sa kaguwapohan nila. Marami naman ang natutuwa sa magandang break na dumating kay Devon. Bukod kasi sa first starring role ito ng aktres, ang pelikula ay ipapalabas din sa ibang bansa tulad ng Korea, Japan, Singapore, USA, at iba pa.
Pagdating pa lang sa loob ng Trinoma Cinema ng mga bida ng You With Me ay pulos tilian na ng fans ang maririnig. Nang nagsimula na ang pelikula, mas naging maingay ang tilian ng manonood, lalo na ang mga bagets na kababaihan na hook na hook talaga sa mga Korean stars.
Nang nakahuntahan namin ang producer nito na si Ms. Tess Cancio, inusisa namin kung pati ba siya ay kinilig sa kanilang pelikula. “Pinipigilan ko, pero nakakikilig talaga ang movie,” nakangiting saad niya.
Nalaman din namin kay Ms. Tess na hindi lang pala si Devon ang nag-audition dito, kundi pati ang dalawang Korean stars na eventually ay naging lead actor sa pelikula ay dumaan din sa auditons.
How about si Devon po, ano ang masasabi ninyo sa kanya? Paaano nagsimula ang idea na magkaroon ng ganitong pelikula?
Sagot ni Ms. Tess, “Devon I’m so proud of her! She really pushed to do her best in this film, Wika nga in English, she stepped up to the plate. I hope she continues to develop positively in her film career. Mukhang ang rom-com genre with these two boys ang magiging style ng roles na gagampanan niya.
“The idea to make this movie began when Shine Ricafort, wife of Direk Rommel, decided to draft a script to present to Seoul Film Commission. She said, ‘Try natin Ma’am kung magustuhan nila and let’s see if they approve it.’ Sinubmit ni Shine and SFC said, ‘Let’s talk,’ and the rest is history,” nakangiting saad ni Ms. Tess.
Ang You With Me ay sa pamamahala ni Direk Rommel Ricafort. Tampok din dito sina Tonton Gutierrez, Assunta De Rossi, Jon Lucas, Hazel Faith Dela Cruz, Lee Seung-Yun, Sung In-Ja, Shin Dong-Hun, Lee Soo-Ryun, Oh Ja-Hun, Hastags. Ang pelikula ay handog ng Gitana Films Productions ni Ms. Tess Cancio, RR Films Entertainment, Film Line Pictures Production LTD, at Seoul Film Commission.
ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio