Monday , December 23 2024
Peru APEC Summit

Biktima ng palakasan sina Salalima at Diño?

BAKIT may magkaibang bersiyon sa pagbibitiw sa puwesto ni dating secretary Rodolfo Salalima bilang kauna-unahang secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT)?

Ayon kay Salalima, dalawang bagay ang dahilan ng kanyang pagbibitiw na hindi niya matagalan: katiwalian at pakikialam.

“The deal was ‘no interference, no corruption” ang naging kasunduan nila ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte bago niya tinanggap ang puwesto sa DICT, sabi ni Salalima.

Sabi pa ni Salalima, ”I resisted pressures. On the issue of interference, it was not obeyed. Because of that, I had and must resign.”

May bali-balita na posibleng may kaugnayan sa pakikialam ay mula sa ilang paksiyon sa pamahalaan, kabilang dito ang pressure na papabor sa ilang suppliers para sa P77.9-billion National Broadband project ng DICT.

Ito ay nakakapareho ng maanomalya at nabasurang broadband project sa administrasyon noon ni PGMA.

Pero noong nakaraang buwan pa ay napaulat na sa pahayagang ito na dahil sa conflict of interest ay may dalawang miyembro ng gabinete na sisibakin ang pangulo. Si Salalima ay dating abogado ng Globe Telecom at may mahabang karanasan sa batas at telecommunications business.

Sa isyu ng conflict of interest, sabi ni Salalima, ”No one in this country who has a monopoly on patriotism. I am a lawyer and I know my oath and I know where to place my heart once I become a public servant.”

Sumagot naman si Presidential Spokesman Ernesto Abella na nagsabi na dapat daw ipaliwanag ng dating kalihim kung anong halimbawa ng corruption at interference sa DICT na tinutukoy ni Salalima.

Kung may conflict of interest pala si Salalima ay bakit siya itinalaga sa DICT?

Paki explain lang, Sec. Abella!

BINASTOS
SI DIÑO?

IKINAGULAT din ang biglang pagkakasibak kay Martin Diño sa puwesto bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Mismong si Diño ay nasorpresa dahil wala siyang kaalam-alam na tinanggal na pala siya sa kanyang puwesto.

Hinanakit ni Diño, hindi man lamang siya sinabihan at huli na niyang nalaman na may bago nang naitalagang kapalit niya sa puwesto, si Wilma “Amy” Eisma, administrator ng SBMA.

Si Eisma ay executive assistant at legal staff member ni Senator Richard Gordon habang ang mambabatas ay chairman at administrator ng SBMA mula 1992 hanggang 1998.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid



About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *